Chapter 23

1064 Words

Matapos ang tatlong araw na pananatili ko dito, nagkaroon na ng routine ang ginagawa ni Max dito. Nagpaalam siya sa akin na aasikasuhin niya na muli ang mga hospital na hawak niya ngunit hindi siya umalis dito. Dinadala niya sa bahay ang trabaho. Bumili siya ng PC set at ilan pang mga gamit tapos ay may ilang mga tao ang pumupunta dito at nagkakaroon sila ng meeting sa kwarto. Madalas akong maburyo dahil nagkakaroon ng limitasyon ang pag-uusap naming dalawa ni Max. Nakadungaw lang ako sa bintana habang tinititigan ang dagat sa di kalayuan at nakaisip agad ako na puntahan na lamang ito. Agad akong naghanda tapos ay tiningnan ang aking pitaka. Doon ko lang napansin na wala na pala akong sapat na budget dahil paminsan-minsan ay lumalabas-labas ako para bumili ng pagkain na gusto ko. “Ma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD