“Papaano kapag nabuntis ako?” tanong ko kay Max habang nakahiga pa rin kami. Hindi niya ako pinatayo nang magising ako kaya naman nag-isip na lang ako ng maaari naming pag-usapan. Isa ito sa mga naiisip ko pero hindi naman ako natatakot na mabuntis ng mga sandaling ito. “Ang tanong, bakit ka pumayag kahit na hindi moa ko masyadong kilala?” tanong niya sa akin pabalik at napangiti na lang ako. “Alam mo na ba ang kwento ng mga magulang ko nang magkakilala sila?” tanong ko sa kanya at napatingin siya sa akin. Umayos ako ng pagkakahiga at kinuha ang kumot tapos ay umupo sa kanyang tabi. “Nang makilala niya ang tatay ko, agad niyang hinalikan ito tapos ay ilang araw lang na pangliligaw, binigay niya na agad ang lahat,” diretso kong sinabi sa kanya bago pa man magtanong sa akin si Max. Ila