NATAPOS na rin ang pagtatanong sa aming lahat na huling kasama ni Ben kahapon. Lahat kami ay parehas ang sagot, paniguradong wala silang nakuhang sagot sa amin. Totoo naman kasi ang sinabi namin, wala kaming alam sa kamatayan ni Ben.
Lumabas na rin kaming lahat, ang mga tingin ng ibang estudyante sa amin ay nanghuhusga ngayon.
“Aba, mga bwisit ʼtong mga ʼto! Kung makatingin sa atin parang pumatay tayo ng tao!” inis na sabi ni Ella sa tabi ko.
“Hey, huwag mo na lamang sila pansinin, Ella. Wala silang alam. Ang alam lang nila ay
mang—judge,” bulong ko sa kanya, mabilis na lamang kaming naglakad at taas-noo kaming lumalakad sa gitna nila.
Deadma.
Bakit kami magpapa—apekto kung hindi naman totoo ang sinasabi nila sa amin.
Naglalakad na kami sa quadrangle nang mapatingin ako sa paligid namin. “Parang lalo yata silang dumami... What do you think, Hannah?” pagtatanong ni Ella sa akin, habang nakatingin sa paligid.
Tumango ako sa kanya. Dumami nga ang mga pulis sa palagid ngayon. “Yes, but, maging ang ibang student ay tinatanong na nila. They donʼt know Ben,” sabi ko at hindi inaalis ang mga mata sa paligid namin.
Nakarinig ako ng book na sinarado. “Gusto nilang mag—imbestiga kung anong klaseng pagtuturo ang ginagawa nila sa atin.” Sabay kaming napalingon ni Ella kay Jameson, kaibigan din namin ang isang ito, pero brutal talaga kapag academics, wala siyang sports or other activities, may hika siya.
“Bakit naman nila iimbestigahan iyon, Jameson?” Napahinto ako sa aking tanong. “Oh, wait! Gusto ba nilang sabihin... Kaya namatay si Ben dahil sa pressure na pag—aaral niya? What the f**k!” gulat kong sabi sa hinuha kong iyon.
“Thatʼs it! Thatʼs the point kaya theyʼre asking sa ibang students, lalo naʼt wala ang parents mo ngayon, right?”
Tumango ako kay Jameson. “Yes, nasa Batangas sila ni dad and may business meeting din silang need puntahan, kaya nga si Mr. Hipolito ang tumatayong superior ngayon,” sagot ko sa kanya. “Wait a minute, kung nagtatanong sila ngayon sa mga schoolmates natin about kay Ben, so, iniisip ba talaga nilang suicide siya? Mga tanga ba sila? Sa damit pa lamang na suot ni Ben, pinatay siya. May tao bang magsu—suicide na sasaksakin ang sarili? Wala, ʼdi ba? Dapat nagbigti na lamang siya kung gusto niyang mag—suicide... Ay, wala sa bokabolaryo ni Ben na mategi.” Napailing kong sabi sa kanila.
“Totoo ang sinabi ni, Hannah! So, bobo ang mga pulis na pumunta rito? Oh my gosh!”
“Base on my theory, for sure they are stupid enough to think na nagpakamatay si Ben. Alam mo na, sa city na ito ang Limbo High School ang may matatalino na estudyante kaya possible na iniisip nilang pressure about studies ang dahilan, to maintain his high grades and mag—stay sa pag—aaral dito.”
“Wala sa bokabolaryo ni Ben na mag—aral. Matalino siya at sapat na iyon pumasa siya. Kaya useless!”
“Gusto kong maging detective na lang kapag lumaki ako, para matulungan ang mga hindi matalinong kapulisan natin.” Natawa ako sa sinabi ni Ella.
“Gutom na ako, guys! Kumain na tayo kaysa pansinin sila.”
“Tara, kain na tayo! Gutom na rin ako, konti lang din ang kinain ko kaninang umaga kasalanan ni kuya Hanzel! Hinila agad ako!” Konti lang talaga ang nakain ko.
Sino ba naman kasi gaganahang kumain kanina, kung panay salita ni kuya Hanzel. Mas nabusog pa ako sa mga salita niya, kaysa sa pagkain talaga!
“Letʼs eat!” Hinawakan na ako ni Ella at lumakad na kami papunta sa canteen.
Hindi pa rin ako mapakali sa mga pulis na nandito ngayon.
Bakit parang nagkataon na wala ngayon sina Mom and Dad?
Nagkataon lang ba ʼto?
“Hindi pa rin sila umaalis?”
Tumango ako kay Ella. “Hindi pa siguro sila tapos makipag—usap sa mga estudyante. Hayaan natin sila. Wala naman sila makukuhang kasagutan,” sagot ko sa kanya.
“Thatʼs right! Mag—aral na lang ulit tayo, papalapit na ang NAT. Need nating manguna muli roon!” Tinignan namin ni Ella si Jameson, na naglalakad habang nagbabasa ng libro niya. “What? Tama naman ang sinabi ko, ha? Matatalino ang lahat ng estudyante sa Limbo High School, lalo ka na, na anak ng may—ari nito.” sabi pa niya at tinuro ako.
“Hindi lang siya matalino, Jameson! Athletic pa! Siya kaya ang pambato natin sa track and field!” masayang sabi ni Ella.
“Mas matalino ka pa rin sa akin, Jameson. So, tara na! Mag—sa—science class na!” Nauna na akong lumakad sa kanila papunta sa classroom ng Physics class namin.
Totoo naman ang sinabi ko, ang Valedictorian sa batch namin ay si Jameson kahit wala siyang extracurricular ay nababawi niya iyon sa talino niya.
“Nandito na sina Hannah and Ella!” malakas na sabi ni Wealand nang makita niya kami.
“Hey, Hannah, we've been waiting for you, saan ka ba pumunta, ha?” maarteng sabi ni Candy.
“Naglunch break malamang, Candy. What's wrong with you, huh? Are you nervous that Jameson might ask you? Donʼt be nervous. When he sees you nervous, heʼll make you feel even more nervous, magtatanong ang isang iyon sa inyo!” Totoo ang sinasabi ko. Mapang—asar si Jameson, kaya for sure marami siyang itatanong kapag nakita ka niyang kinakabahan.
“Weʼre not nervous at all! Hinihintay ka namin because, sino ang magre—report sa part ni Ben? It's a bit difficult and it's also important din ang part ng report niya. So, wala ni—isa sa amin ang gustong kumuha.”
I sigh. “Ako na. Pinag—aralan ko na rin naman iyong report niya kanina sa canteen. Nagtanong ako kay Jameson, kaya hindi siya magtatanong sa part na iyon. Magready na tayo para pagdating ni Ms. Santos ay nakaayos na tayo,” I told them. We were all very nervous, mahirap kasi ang topic namin.
“Okay.” They answered me at the same time.
Inayos na namin ang aming visual aids at ako naman ay naggupit ng mga scotch tape para madaling maikabit sa white board ang mga visual aids namin.
Nang magbell na ay dumating na rin si Ms. Santos. “Before we continue to our topic, Let's offer prayers for Ben Gaspar, wherever he is now.” Pinamunuan ni Ms. Santos ang panalangin. Lahat kami ay tahimik habang nagdadasal si Miss Santos. “Oh, Panginoon, panatilihin mo ang katahimikan ni Ben Gaspar... Nawaʼy maging maligaya na siya kung nasaan man siya ngayon...”
Nangunot ang noo ko sa mga sinasabi ni Miss Santos. “Katahimikan?” bulong ko sa aking sarili.
“Ang kasiyahan ng iba ay mananatiling kasiyahan ng lahat... Amen!” pagtatapos pagdarasal at nag—sign of the cross na ako.
Napatingin ako kay Miss Santos na agad namang nakatingin sa akin. “Yes, Miss Limbo? May gusto ka bang itanong sa akin?” nakangiting tanong niya. Nakakatakot ang kanyang mukha kaya agad akong napailing.
“Wala po, Miss Santos. Handa na po kaming mag—report,” sagot ko sa kanya at lumakad sa harapan.
“Hello, classmates, Weʼre going to start reporting today—” Napahinto ako nang may maamoy akong mabahong amoy.
“Hannah, bakit huminto ka?” bulong sa akin Ella at sinenyasan akong magpatuloy. “Ako ang first na magre—report, best!” dagdag niyang sabi sa akin.
“Um, sorry... The first to report to us is Ella San Jo—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang may malakas na sumabog na siyang pagkatalsik ko sa teacherʼs table.
“B—best...”
Nakita ko ang mukha ni Ella na gulat sa nangyari. Nakita ko ang kamay niya, kaya hahawakan ko sana iyon nang may sumabog na naman, na siyang pagkawala ko ng malay.