I GROANED nang maramdaman kong sumakit ang aking ulo, napahawak ako roon at dinilat ang aking mga mata, tumingin ako sa paligid ko ngayon. Nanlalaki ang mga mata kong makitang nasa loob ako ng aking bedroom.
“What the!” bulalas kong sabi at agad na napaupo sa kama. “Bakit nandito ako? N—nasa school ako kanina bago nagkaroon ng dalawang beses na pagsabog kaya nawalan ako ng malay... Kaya bakit nandito ako?” Iyon ang naaalala ko kahapon.
Tumayo ako sa kama habang nakahawak pa rin ako sa aking ulo. Masakit ang ulo ko na parang pinupokpok nang malakas, pero nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad papunta sa banyo, naiihi na ako at gusto kong maligo dahil pakiramdam ay sobrang dumi ko.
Naging relax ang aking isipan nang makaligo ako, nagsuot ako ng shorts and shirt, napansin ko ring wala akong gasgas ni—isa sa katawan ko. Hindi ko na alam kung ano ang totoo... Totoo bang may sumabog na malakas kahapon? O, panaginip lamang iyon?
Lumabas na lamang ako sa loob ng kʼwarto ko habang nagtataka pa rin sa lahat. Nalilito pa rin ako sa mga nangyayari. Napatingin ako sa paligid ng bahay namin, wala naman kakaiba ngayon, heto pa rin naman ang ayos ng bahay namin.
Panaginip siguro ang nangyari kanina.
Hindi patay si Ben at lalong walang pagsabog na nangyari.
Wala.
Nakababa na ako sa living room namin, napahinto ako at naglibot ang buong tingin ko sa bahay namin. Hindi ko alam, pero may bigla akong naramdaman na kakaiba ngayon sa loob ng bahay namin.
“Hannah!”
Kumabog nang malakas ang aking dibdib nang marinig ang boses ni kuya Hanzel, nakita ko siyang pababa galing sa may hagdan.
“Kuya Hanzel!”
Nagulat ako nang yakapin niya ako nang mahigpit. “Thanks, God, youʼre safe!” malakas niyang sabi sa akin.
“Safe? What do you mean, kuya Hanzel?”
Binitawan niya ako at tinignan. “Wala kang maalala kahapon?”
“Nangyari kahapon?”
Tumango siya sa akin. “May narinig kaming sumabog sa school kahapon... Lalabas sana ako para tignan kung anong nangyayari, pero bigla ring may sumabog sa building ng mga club, ang sunod kong naalala ay tinamaan ako ng debris sa aking paa, hindi naman kalakihan iyon. Nakapaglakad pa, pero sa pangalawang pagsabog ay na—out of balance na ako, hanggang heto na ang nakita ko. Nasa loob na ako ng room ko.”
Nanlalaki ang aking mga mata sa kanyang sinabi. “H—hindi po ba panaginip iyon?” Umiling siya sa akin. “Akala ko panaginip lamang iyon. P—paanong napunta tayo rito.” naguguluhan kong tanong sa kanya.
“Hannah, listen to me. Hindi ko rin alam kung paano tayo nakabalik sa bahay natin. But isa lang sigurado ako, may kakaiba ngayon sa bahay natin. May napansin ka bang kakaiba?”
“Napansing kakaiba, kuya Hanzel? What do you mean po?” takang tanong ko sa kanya.
He nodded to me again. “Yes, kakaiba. Iyong side table clock ko, hindi gumagalaw, maging iyong wall clock natin, umi—stop din.” Tinuro ni kuya Hanzel ang wall clock sa itaas ng aming television.
“12:30.” Iyon ang naka—saad sa wall clock ngayon.
“Yeah, ganoʼn din ang nakalagay sa side table clock ko. Sa iyo ba?”
“Hindi ko napansin, kuya Hanzel. Mabilis akong umalis kanina sa bed ko nang makitang nandoon na ako nang magising, pagkatapos ng dalawang beses na pagsabog. Hindi ko alam kung anong mayroʼn, kaya mabilis akong pumunta sa banyo para maligo. Akala ko panaginip lamang ang lahat,” sabi ko sa kanya.
Hindi ba talaga panaginip ito?
Naguguluhan na ako.
“Whereʼs your phone?”
Napatingin ako sa kanya. “I donʼt know—” Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang i—angat niya ang phone ko. “Bakit mo hawak ang phone ko, kuya Hanzel?” takang tanong ko sa kanya.
“Huwag mong bibitawan ang phone mo, okay? Hawakan mong mabuti iyan, ha?” madiin niyang sabi sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang pinahihiwatig niya para sabihin niya iyon sa akin, dati kasi ay palagi niya akong sinasabihan na, hawak ko na naman ang phone ko.
“O—okay po, kuya Hanzel.” Sinunod ko na lamang siya.
Pinasok ko sa pocket ng aking short ang phone ko at muling naglibot sa buong bahay namin. Iisa lamang ang napansin ko, iyong orasan ay parehas nakahinto sa 12:30, sa phone ko ay ganoʼn din ang oras at walang signal na nasasagap.
Ano bang nangyayari?
“Nagugutom ka na ba, Hannah? Magluluto ako!”
Narinig ko ang boses ni kuya Hanzel, lumakad ako palapit sa kanya at nakita kong nakalabas na frozen hotdog.
May kuryente kami at my tubig, pero walang internet at hindi gumagana ang television, sa lahat ng appliances, iyon lang ang hindi gumagana. Akala ko nga maging ang aircon at electric fan, pero umandar iyon ang buksan ko.
“Kuya Hanzel? Bakit kaya television lamang ang hindi gumagana? And, the rest ay maayos naman na nagma—malfunction.”
“I donʼt know, Hannah. But, at least, we have electricity and water kaysa naman wala.”
“I know, hindi lang mawala sa isip ko na bakit iyon lang ang wala, maging ang signal and internet.” Naupo ako sa dining namin habang naghihintay na maluto ang breakfast namin.
“Huwag ka ng magtanong, kumain ka na lamang. Pagkatapos nating kumain ay lumabas tayo para tignan ang paligid, Hannah!”
Nilapag niya sa harap ko ang cocktail hotdog at dalawang pirasong itlog, tig—isa kami. Kumuha na ako ng pagkain at ulam, wala ni—isa sa amin ang nagsalita. Kumakain kami ni kuya Hanzel nang may maingay kaming narinig.
“A—ano iyon?” pagkataranta kong saad nang marinig ko ang tunog na iyon.
“Tunog ng isang announcement.”
“Announcement? For what?” takang tanong ko.
Nakita ko ang pag—ilaw ng phone ni kuya Hanzel, na nasa dining table ngayon. “K—kuya Hanzel, your phone.” Turo ko roon, napalingon siya at nakita ko ang gulat sa mata niya.
“Go, look at your phone too, Hannah.”
Sa sinabi niyang iyon ay kinuha ko ang rin ang aking phone. Nangunot ang noo ko nang makitang naka—paskil sa screen ko. “Langit... Lupa... Impyerno... Limbo High School Edition?” naguguluhan kong sabi sa screen na nakikita ko ngayon. “Kuya Hanzel, a—ano ito?” Pinakita ko sa kanya ang phone ko, hindi pa rin umaalis ang salitang iyon sa screen ko.
“Weʼre same.” Pinakita niya rin sa akin ang phone niya, parehas kami.
“A—anong Limbo High School Edition? Anong sinasabi nito?”
“I donʼt Hannah!” malakas na sabi ni kuya Hanzel sa akin. “M—may bagong lumabas muli.”
Napatingin ako sa aking phone, nakalagay room ay username. “M—magregister tayo? For what? Hindi naman natin alam kung para saan tayo, ʼdi ba?” Naguguluhan kong sa kanya.
“You should, Hannah. Sa ilalim ay may oras na nakalagay, one minute lamang para makapag—register ka.”
I saw the time na sinasabi niya. “I still don't want to, kuya Hanzel—”
“Follow what I tell you, Hannah! Register now!” malakas niyang sabi.
Nagulat ako sa kanya kaya agad kong nilagay ang pangalan ko at pinindot ang register. Nagbago muli ang screen at nandoon ang rules and regulations.
“What the hell—” usal ko nang mabasa ang nag—iisang nakalagay roon. “Don't die. Play each game carefully and wisely to live long in this game. We have eight games in a week, when you finish games not dying, you deserve to be recognized as a good player. Again, don't lose the game if you don't want to die. Your life depends on this game, Hannah.” mahabang bass ko roon.
“Buhay ko ang nakalalay rito? A—anong game ito?” Pinakita ko kay kuya Hanzel ang phone ko.
“I donʼt know... Hindi ko alam, Hannah. Eight games in a week? Anong laro ang mga iyon?”
Napalunok ako ng aking laway nang makita ko si kuya Hanzel na kinakabahan. Ang kabang nararamdaman namin ni kuya Hanzel ay lalong lumala nang mawala na naman ang nasa screen ng phone namin.
“Game one start: Find allies, as many as you can. Rules: Don't trust others. But be careful about the ally you choose.”