IKA-ANIM NA KABANATA: Find Allies!

1809 Words
“Game one start: Find allies, as many as you can. Rules: Don't trust others. But be careful about the ally you choose,” pagbabasa ko na muling may nag—appear doon. “Find allies? Heto ang game one? Sobrang dali naman yata, kuya Hanzel?” Napatingin ako sa kanya nang makitang nakatingin pa rin siya sa kanyang phone. “Allies, but be careful about the ally you choose...” Oo nga pala, kailangan naming mag—ingat sa pagpili ng ally namin. “Hindi tayo pʼwedeng kumuha ng basta—basta ng kakampi, Hannah. We need to think and suriin silang mabuti. We have an advantage, magkapatid tayong dalawa. Kaya dapat sila ang mag—ingat sa atin.” Kinuha ni kuya Hanzel ang kamay ko. “Kuya Hanzel, maniniwala ako sa iyo. Ever since, hindi mo ko pinahamak...” “Ngayon pa lang.” “Kuya Hanzel naman!” ungot ko sa kanya. “Just kidding. Never kitang ipapahamak, Hannah! I got you. For now, kailangan nating humanap ng kakam—” “Hannah! Hannah! Are you there?” Nagkatinginan kami ni kuya Hanzel nang marinig ang boses na iyon. “Si Ella, kuya Hanzel!” sabi ko sa kanya, mabilis akong tumakbo palabas sa bahay namin, dama kong sinundan niya ako. “E—Ella!” malakas kong sabi sa pangalan niya at binuksan ko ang gate. “Hannah!” Narinig ko ang pagsinghot niya. “Hannah, nasaan tayo? I—Iʼm scared! A—ano iyong game na sinalihan natin. B—bakit buhay ang nakataya? A—ano ba ito? Nasa panaginip ba tayo? Natatandaan ko ay nasa classroom tayo, t—tapos may sumabog... Then, heto na. Nakita ko na lang ang sarili kong nasa loob ng room ko nang magising ako!” nanginginig ang boses ni Ella habang sinasabi niya iyon. Pinakalma ko at tinignan nang mabuti. “Ella, do you hear me? Donʼt be scared, okay? Hindi tayo mamamatay, okay? I donʼt know too kung nasaan tayo ngayon, but we need to be alive. We need to be safe in all games, okay? Itʼs only one week. After that, it will be just a dream, or maybe it's just a dream. So donʼt be nervous, huh?” nakangiting sabi ko sa kanya. “Ella, Hannah was right. Donʼt be nervous. Itʼs just a dream.” Pinakalma na rin ni kuya si Ella. Gusto ko ring maniwala na panaginip lamang ito, pero impossibleng pare—parehas kami ng panaginip, in case, nasa lucid dream kami. But, totoo ba ang lucid dream? I donʼt know. “Sorry to pop your bubbles, It is impossible for many people to have the same dream, like today. There are five of us here now, and you say this is a dream? And we're in the same dream now, playing this crazy game? Because, as I recall... There is no scientific evidence to prove that two or more people have ever had the exact same dream at the exact same time. Dreams are subjective experiences that occur in the brain during sleep, and they are unique to each individual's perceptions, memories, and emotions. Thatʼs why impossibleng parehas ang panaginip natin ngayon.” Napalingon kami sa gilid at nakita namin sina Valerian and Timothy na naglalakad palapit sa amin. Nakalimutan kong same subdivision kami, ang President and Vice-President ng student council, Valerian Fernandez and Timothy Legarda. “So, hindi ito panaginip? Kung hindi, ano ito? Bakit nandito tayo?” tanong ko sa kanya. He shrugged at what I said. “I don't know. I just woke up and I was in my room, until this stupid app appeared. Then I saw Timothy na palakad—lakad.” Tinuro si Timothy na nasa tabi niya. “Iʼm walking because Iʼm looking for an ally like the app said... We thought we were the only two here in the subdivision, until we saw Ella, we followed her... Turns out you're here too.” “Sure, kumampi na kayo sa amin. Hindi natin alam kung anong laro, ang lalaruin natin. Walang sinabing limit na ally, paniguradong we need to have more, mas okay iyon,” saad ni kuya Hanzel at tumingin—tingin siya sa paligid. “Valerian, may naalala ka ba after mong magising? Just like the three of us, parehas naming naalala na may sumabog tapos nagising na lamang kami nasa bedroom na namin. Ganoʼn din ba kayo?” I asked them. Nagkatinginan silang dalawa. “Same with us. Ano ba ang sumabog? Malapit sa Science building ang pagsabog. Nasa student council kami nang marinig iyon, lumabas kaming lahat ng mga student council, then sa pangatlong pagsabog, may nahulog sa amin, hindi ko maalala kung ano hanggang magising akong mag—isa sa room ko... Ganoʼn din ang nangyari kay Timothy.” “Sa science building nangyari? Saang room? Nakita niyo ba nang lumabas kayo?” Nasa kabilang side ang student council, magkaharap ang building ng science and student council, kung saan ang room ng mga third year din. “Actually, hindi namin nakita kung saan room unang sumabog. Sobrang usok naʼng harapan namin, wala kaming makita. Basta nakarinig na lamang kami nang malakas na boses, humihingi ng tulong hanggang may sumunod na sumabog, hanggang tumatlo iyon... Doon lamang ang naalala ko,” sabi ni Valerian sa akin. Tinignan ko si Timothy. “Same with me, Hannah. Wala na rin akong maalala pagkatapos.” “Kung sa science building nagsimula... For sure, two rooms ang pagitan namin sa pagsabog.” “What do you mean?” tanong ni kuya Hanzel. “Physics subject namin nang mangyari ang pagsabog. Dinig namin kung gaano kalakas ang pagsabog nuʼn, halos mabingi kaming lahat. Tumalsik pa nga ako sa teacherʼs table dahil sa lakas, at sa pangalawang pagsabog, nawalan na ako ng malay, hindi katulad ng sa inyo na pangatlong pagsabog kayo nawalan ng malay... Pero, bago ang pagsabog... May naamoy akong mabaho, amoy chemical tapos ayon, bigla na lamang sumabog. Hanggang doon na lang din ang naalala ko.” Hindi ko pʼwedeng makalimutan ang nangyari kahapon. “What the f**k! We need to analyze this—” “Oh, putangina! Hanzel!” Napatigil kami sa pagku—kʼwentuhan nang may marinig muli kaming boses. Nakita namin si kuya Franco na tumatakbong palapit sa amin. “Hanzel... f**k, dude! Sinasabi ko na nga ba nandito ka! We need to create an ally!” malakas niyang sabi habang tumatakbo pa rin. “Tangina, nasaan ba tayo? Kailangan natin maghanap ng ally— oh, tangina mo, Hanzel, may kasama ka na pala!” Napangiti na lamang ako nang marinig ang malutong na mura ni kuya Franco. “Um, hi, kuya Franco,” bati ko sa kanya. “Woah! Anim na tayo agad! Nice to meet you again, Hannah!” Tinapik niya ang kanang balikat ko. “Pero, putangina! Nasaan ba tayo? Anong app ba iyong nasa phone natin? Wala naman akong nilagay na ganoʼng app!” May mura pa rin sa bawat salita niya, mabuti na lamang ay hindi niya nasasabi kapag may competition sila sa Archery. “Manahimik ka, Franco! Hindi ko rin alam kung nasaan tayo!” Ginulo ni kuya Hanzel ang buhok niya. “All I know is that we need to be safe for the eight days we are here. Mahirap na baka mamatay tayo nang maaga, hindi pa nga natin alam kung anong lalaruin natin!” saad niya habang nakatingin pa rin sa paligid. “Tama ka! Kailangan lang nating manalo para makaalis tayo sa punyetang lugar na ito, kahit alam kong nasa San Jose Subdivision naman tayo... Nandito ang anak ng may—ari ng subdivision natin!” Tinuro niya si Ella. “Hindi mo rin kasama magulang ko?” Napangiwi ako sa tanong niya. “N—nope po. Ako lang mag—isang nang magising ako.” “Tsk! Mukhang iniwan tayong mga anak nila! Saan kaya pumunta ang mga magulang natin? Tanginang mga iyon!” “Ella! Hannah!” May narinig muli kaming mga boses na tumatawag sa pangalan ko. “Oh, may mga buhay pa rin na palapit sa atin!” Tinuro ni kuya Franco, ang tatlong palapit sa amin. “Sina Wealand, Ether and Devon, Hannah!” malakas na sabi ni Ella at tinuro silang tatlo. Hinihingal silang lumapit sa amin. “A—akala namin hindi ka namin makikita... Sasama na sana kami sa ibang grupo—” “Grupo?” putol ko sa kanyang sasabihin. Tinignan ako ni Wealand, tumango siya. “Oo, grupo. Tinatawag nga kami para sumali sa kanila, pero tumakbo kami ni Ether, tapos nakita namin si Devon na kinukuha ng tatlong lalaki, first year ang mga iyon, tinakot namin para tigilan at bitawan nila si Devon,” hinihingal na sabi ni Wealand. “Grupo? Wala sila nang maglakad ako, ha? Sobrang tahimik sa labas nang maglakad ako at pumunta rito,” takang sabi ni kuya Hanzel. “Same with us ni Timothy, wala ring tao nang maglakad kami.” “B—baka hindi pa sila lumabas nang dumaan kayo! Pero, totoo ang sinabi ni Wealand. Maraming mga buhay at halos mga estudyante, ibaʼt ibang year, pero ang nakapagtataka lahat ng mga iyon ay galing sa Limbo High School... Heto ang katibayan, kinalmot pa ako ng isa, impossibleng ako ang kumalmot sa sarili ko, ayoko nga magkasugat kahit siga ako sa section natin!” inis na sabi ni Devon at pinakita ang kalmot sa kanyang pulsuhan, mahahaba iyon. “Hindi na nakapagtataka iyon... Lalo naʼt nakasaad sa phone kanina, Limbo High School Edition ito.” “Oh, about that, edition? Meaning may iba pang school ang naglaro nito?” “Oo nga, ano? Edition means a particular version of a publication. May mga nauna pa sa atin para gamitin nila ang salitang edition!” saad ni Valerian. “Woah! Ikaw ang President ng student council ngayon, ʼdi ba? Iyong angkan niyo ba ay tatakbo ng politics soon at ginagawa niyong stepping stone ang pagiging President sa student council? Iyong kuya mong si Valley ay naging President of student council din, eh! By the way, kasama mo ba ang kuya mo?” Akala ko naman ay kung ano na ang sasabihin kuya Franco. “Nope, ako lang ang nasa bahay nang magising ako.” “Ay, sayang! Akala ko may mini reunion na kaming tatlo rito!” Napailing na lamang ako sa kanya. Hindi rin nagtagal ay muling tumunog iyon, ang announcement. Chineck namin ang aming phone hanggang makita ang screen kong nagkulay green. “Congratulations! You have successfully found your ally.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD