IKA-PITONG KABANATA: Panaginip?

1435 Words
“Congratulations! You have successfully found your ally.” “Is game one over? Is that it? Nothing to do?” tanong ko sa kanila, nang mabasa ko ang lumabas sa screen ng phone ko. “Wait, thereʼs more, Hannah!” usal ni Wealand. “Enter the names of your teammates, and pick one leader and co-leader of your group. If you have something to add, just put it in so they can be part of your group. Find a trusted ally,” basa ni Valerian nang malakas. “Teka, ibig bang sabihin ay pʼwede pa tayong magdagdag?” “Ganoʼn na nga, Hannah. But, a trusted ally ang kailangan natin. Kailangan pa rin nating mag—ingat na humanap na mapagkakatiwalaan na kakampi.” Si kuya Hanzel ang sumagot. “So, sino ang magiging leader and co—leader?” tanong niya muli. Napatingin kaming lahat sa kanya. “Siyempre ikaw na ang leader natin, Hanzel! Future Olympics Gold Medal ka sa Archery, kaya ikaw ang binoboto naming lahat!” nakangising sabi ni kuya Franco. Tinignan niya kaming lahat at tumango kami sa kanya. “See? Wala silang palag!” “Okay, fine! Sino ang co—leader? Ikaw na lang Fran—” “Dude, hindi ako pʼwede! Malay mo ay patalinuhan ang ibang game, yari tayo! Alam kong matalino rin ako, pero hindi kasing smart ng kapatid mo at nitong President ng student council ngayon, kaya dapat mamili sa kanilang dalawa!” Tangging sabi ni kuya Franco at tinuro kaming dalawa ni Valerian. Umiling agad ako. “Not me! Si Valerian na lamang. What if abstract or about games itanong? Dehado ako! Valerian is smart and game analysis, so he can be co—leader,” paliwanag ko sa kanila. Alam ko ang pagkukulang ko, kaya ayokong mapahamak ang iba dahil sa kagustuhan kong mamuno. “Okay! Si Hanzel ang leader and co—leader natin ang kapatid Valley, ano nga ulit pangalan mo?” “Valerian.” “Oh, Valerian pala name niya. I—type niyo na ang name niyo sa phone ni leader, sa phone niya tayo magpi—fill up!” Sobrang daming energy ni kuya Franco. Isa—isa na kaming nagtype roon hanggang matapos kay Devon. “Weʼre nine, kasama na kaming dalawa. Hindi tayo umabot ng ten.” Binilang ko muli sa aking isipan, siyam nga lang kami. “Hanzel, need pa natin ng ibang member, baka ang ibang game ay padamihan ng member, lugi tayo!” Sumang—ayon kami sa sinabi ni kuya Franco. “Wala na ba kayong kaklase na nakatira rito, Hannah?” tanong ni kuya Hanzel sa akin. Umiling ako sa kanya. “Um, wala na, kuya. May mga naging classmate ako last year but hindi ko sure kung nandi—” “Jacob is here, Hannah! Pero, nasa ibang group na siya!” sumabat agad si Wealand. “Best, crush mo rin pala nandito. So, parehas kayo ng panaginip ngayon.” Tinitigan ko siya kaya tumahimik si Ella. “Jacob is good addition to us if ever na napunta siya sa atin. I mean, heʼa athletic, basketball player.” Nakita ko ang tingin ni Valerian sa akin habang nagsasalita siya. Oh, he knew na crush ko si Jacob, classmate ko siya last year, I mean namin nina Ella and Jameson. “Natatandaan ko na! Siya captain ball ngayon? Tsk! Dagdag good addition nga iyon! So, maghihintay na lang tayo na may dumating at maki—join sa atin, Hanzel?” “Iyon na nga! Huwag pa rin natin makalimutan na we need to be careful sa pagpili sa kakampi. For now, letʼs rest for day two. Umuwi na muna tayo sa mga bahay natin para kumuha ng damit and food... By the way, kaninang house tayo mananatili? Maliit ang bahay namin!” sabi ni kuya Hanzel at tinignan ang pitong kasama namin. Nagtaas ng kamay si Ella. “Um, sa house namin! Malaki ang bahay namin! All of us is fit in there!” Nagkatinginan kaming at sumang—ayon, malaki nga ang bahay nila Ella, compare sa amin na malaki lang ang bakod. “Sure sa inyo na lamang!” “Malapit lang din kayo sa gate ng subdivision! Kapag nagkagulo ay makakaalis agad tayo rito!” Oo nga, ano. Hindi ko naisip iyon, malapit sa gate ng subdivision ang bahay nila, mga ilang steps lamang. “Okay! Hintayin ko kayo roon, ha! Kumuha na kayo ng mga gamit niyo!” nakangiting sabi ni Ella. “Tama ang sinabi niya. Bumalik na lamang kayo rito at sabay—sabay tayong pumunta sa bahay ng mga San Jose. Paniguradong hindi naman lahat kayo ay alam kung saan ang bahay nila. Maghintayan na lamang tayo rito. May tatlongpuʼt minuto kayo para kumuha ng mga damit at kailangan niyong gamitin! Huwag kayong magpapahuli sa iba, hindi pa natin alam kung kailan ang next game natin. Be alert!” baritonong sabi ni kuya Hanzel, lahat sila ay tumango. “Ay, oo nga, kuya Hanzel. Stay na lang din muna ako rito! See you later, guys!” Kaway ni Ella sa kanila na kanya—kanya na sila lumakad. “Kuya Hanzel, mas mabuti sigurong nagsama—sama muna sila, then tinulungan nila ang isaʼt isa na kumuha ng gamit,” saad ko habang nakatingin sa gate naming nakabukas. “Sorry, alam kong late ko na nasabi. Pero, sana naisip ni Valerian niyon, ano, kaya?” Nag—peace sign ako sa kanya. “Bakit late mo na nasabi! Kumuha na lang din tayo ng gamit natin!” Tinulak na niya ako papasok sa bahay namin. “Sorry! Ngayon lang talaga pumasok sa isipan ko!” Napangiwi rin ako sa sarili ko. Umakyat ako sa room ko na kasama si Ella. “Best, do you think na panaginip lang talaga ito? O, talagang totoong nangyayari sa atin ito?” tanong niya sa akin. Naglalagay ako ng damit sa backpack na kinuha ko, maging underwear at skin essential ko ay kinuha ko. Bale sampung damit ang dala ko at halos ay maluluwag at komportableng suotin para sa game.na gagawin namin. Hindi lang iyon, kinuha ko rin ang protection ko for my knee and sa elbow. Nagdala rin ako ng extra na rubber shoes, suot ko na ang isa. “Actually, hindi ko alam ang isasagot ko, Ella. Hindi ko talaga alam. Sana nga panaginip lang talaga ito.” Binitbit ko na ang backpack ko na punong-puno at may hand bag pa akong dala. “But, for now kailangan nating makaligtas sa mga larong iyon. Iyon ang dapat ang gawin natin.” sabi ko sa kanya at bumaba na kami, nakasalubong pa namin si kuya Hanzel na malaking bag ang dala, iyong camping bag. “Are you done?” Tumango ako sa kanya. “Kukunin ko na lamang ang medical kit natin, kuya Hanzel... Just in case,” sabi ko sa kanya. Pumunta ako sa bathroom namin sa ibaba, nandoon ang medical kit namin, kinuha ko na iyon maging ang lalagyan at nilagay sa handbag na dala ko. Pumasok ako sa kitchen at nilagyan ng tubig ang aming tumbler at pinagkukuha ang comfort food namin ni kuya Hanzel, lahat ng iyon ay nilagay ko sa handbag except sa tumbler. Last na kinuha ko ay ang mga gamot katulad sa lagnat at sakit sa katawan. “Kuya Hanzel? Mayroʼn ba tayong pangtampal sa katawan natin? Iyong salonpas?” tanong ko nang lumabas ako sa kitchen. Tinignan niya ang aking dala. “Puno na niyang handbag mo, ha? Anong nakalagay rito?” tanong niya sa akin. “Salonpas? Wala na yata. Hindi ako sigurado.” “Medical kit, kinuha ko na pati lalagyan. Extra rubber shoes ko, comfort food and drinks natin, then medicine sa lagnat at sa katawan. Then, naalala ko iyong salonpas. Hindi natin alam kung anong game ang lalaruin natin, baka kasi more on physical than mental, right? Oh, I forgot my warmer patch and napkin! Also, my warmer patch is good sa body pain too! Mainit iyon, if wala tayong salonpas, we can use that!” mabilis na sabi ko at umakyat sa aking room. Kinuha ang lahat ng stocks ko ay itʼs good na I have five boxes nito with 10 packs each, but the one box has six packs na lamang. And, also my napkin. Mas okay ng handa kaysa mataranta. Itʼs good na nandito ang mga ito kahit, I donʼt kung panaginip talaga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD