ELLA
KINABUKASAN, ginising kami nang malakas na tunog, kaya kami inaantok pa ako, I need to wake up.
“Maaga ang game?”
Napatingin ako kay Anthony, one of my classmates, siya ang best friend ni Ben na namatay raw at ang suspect ay kaming huling nakasama niya.
Hello, si Anthony ang huling kasama niya, not us!
“Ella, wake up. Kailangan mo ng maligo para magising ka. Mukhang maagang mag—uumpisa ang game ngayon.”
Kinusot ko ang aking mga mata. “Okay, but whereʼs the bathroom?” I asked. Sana bahay namin ay may apat na bathroom, one for my room, one for my parents bedroom, one sa first floor and last ay sa second room, common bathroom.
“Sa first floor, iyong restroom dito sa building. Malinis naman kaya maligo ka na. Ginigising kita kanina, pero tinanguan mo lamang ako. Sumabay ka na kina Candy and Clara, sila na lamang din ang hindi pa naliligo,” saad niya sa akin.
Tumayo na ako sa bed namin at sumama sa dalawang girls na ito. “Ano kaya ang game, Candy and Ella? Iʼm scared.”
“Oh my gosh, Clara! Me too! But, we need to fight para mabuhay pa tayo! Kaya we just need to pray na sana hindi whole ang kasama... Katulad kahapon, lima lang ʼdi ba?”
“Hindi kayo naglaro kahapon?” tanong ko sa kanila, nandito na kami sa loob ng restroom. Maganda nga ang restroom at malinis. “For girls lang ba itong restroom?” Tukoy ko rito.
“Yes, Ella! Kami nag—ayos nito. Sa kabilang restroom ang boys! Sa tanong mo, hindi kami naglaro... Sila Oliver... Nalungkot kami nang mabalitaang namatay sila kahapon. You know naman, malakas sina Oliver and Harry, theyʼre both athletes, rugby team. Kaya umiyak kami at iyong bangkay nila ay kinuha namin except kina Cristy and Denise, nahulog sila sa lupa... Kaya hindi namin na—retrieve ang body nila.”
Naawa ako sa kalagayan nila. “Nasaan ang body nila Oliver and Harry?” usisang tanong ko habang naliligo na ako.
“Nasa pinaka—fourth floor, dulo ng classroom. Pinalibutan namin iyon ng plastic para hindi lumabas iyong amoy nila, and nilagyan na rin ng harang para walang makapunta,” sabi ni Clara.
Hindi na lamang ako nagsalita at hinayaan na lamang.
Sana wala ng mamatay sa aming lahat.
Natapos na kaming lahat kumain and ginagawa ko ngayon ay nagwawalis ang kalat. Ay, nagagaya ko na ang boses ng dalawa.
Napapikit ako nang marinig ang tunog na iyon. Ang announcement.
“Good morning to everyone, let's start our fourth game, and today's game is Patintero. The rules are, Be Prepared. To play this game, six people are needed to start the game. The venue of the game is at the Plaza.”
Katulad ng second game ay announcement ang ginawa nila kaya dinig namin sa buong school ang announcement.
“Plaza ang game? Bakit sa plaza kung pʼwede naman dito sa quadrangle ng school?” takang tanong ni Jameson.
Naawa kami ni Hannah sa kanya nang makitang may sugat siya sa kanyang face, mabuti na lamang girl scout ang best namin, nagamot siya.
“Ibigsabihin lamang ay mayroʼn pang nakatago sa labas ng school, katulad namin. Maging iyong mga nasa subdivision nila Ella, marami pang naka—survive sa amin doon pagkatapos ang third game,” sabi ni best.
Sobrang talino talaga niya.
“Jameson, nang pumunta ba kayo rito may napansin pa ba kayong iba?” pagtatanong ni kuya Hanzel.
Ang talino talaga nilang magkapatid.
Umiling si Jameson. “Wala akong napansin... Wala kaming napansin nina Candy, Clara and Caspian, kuya Hanzel. Nang maglakad kaming apat habang dala ang ibang gamit, sobrang tahimik sa buong paligid nang maglakad kami. Parang ghost town.”
“Truth! To the fire! Para siyang... You know iyong pinanood nating movie, ganoʼn ang vibes niya for me. Kaya alert kami sa paligid namin, then parang may zombie na lalabas anytime. Hindi ako sanay sobrang tahimik at walang usok, alam niyo na, polluted!” malakas na sabi ni Candy at nakaharap pa sa amin ang brush niya.
Until pa man din may hawak pa rin siyang brush. Mamamatay na lang kami lahat—lahat.
“Kayo ba? Ganoʼn din ba ang naramdaman niyo? Lahat ba kayo ay galing sa mga bahay niyo bago pumunta rito sa school?” pagtatanong ni kuya Hanzel.
“Yes po. May bumulong sa isipan namin na pumunta rito... Pero, may mga unang nakapunta rito, iyong ibang teachers, katulad ni Miss Santos na nakita ko.sa loob ng building, siya ang unang—una rito ayon sa narinig namin sa ibang kalahok sa pangalawang game,” saad ni Anthony.
Miss Santos? Our chemistry teacher noong third year kami.
“So, may iba pa bang teachers na nandito? Except sa mga namatay na.” I asked them.
Ang daming teachers sa Limbo High School. Baka ang iba ay nasa labas ng school, katulad namin kahapon.
“Si Miss Santos na lamang ang nati—”
“The clock is ticking... You need to decide whose your players.”
Halos tumakas ang aking paghinga nang marinig muli ang boses na iyon.
Nakita namin sa aming phone ang thirty minutes.
“We have a thirty minutes to decide kung sino ang anim na maglalaro.” Napatingin kaming lahat nang magsalita si Valerian.
“Ako na muli ang sasama, Valerian. Six people, for sure ang isa ay reserve player. Sa paglalaro ng patintero ay pʼwedeng limang tao lamang,” sabi ni Timothy at nag—drawing siya sa papel, tatlong linya na patayo at dalawang pahiga. “Opening, patutot, middle patutot and ending. Ganito ang format nila kapag lima kaya ang six ay magiging coach. Kailangan nila ako, wala naman akong gaanong sugat, kumpara sa kanila.”
Napatango ako sa sinabi ni Timothy. “Um, sama ulit ako! Magaling naman na ang sugat sa paa ko and magaling din ako dʼyan—”
“Ella! No! May sugat pa ang mga paa mo!” tutol ni best sa akin.
“Okay na ako! Napaka—OA mo! Gusto mo ikaw? Eh, lagi ka ngang natataya kasi mainipin kang tao!” bulyaw ko sa kanya. “Kaya ko na ito and ang slim ko kaya!” dagdag na sabi ko pa.
Keri ko naman maglaro ng patintero, heto nga ang favorite ko sa lahat ng nilalaro namin sa kalye.
“Sasama na rin ako! Maayos na ang likod ko! Isa ang Patintero kung saan malakas ako.”
Napatingin kami kay Devon nang magtaas siya ng kamay. Kahapon lamang ay nirereklamo niya sa amin na masakit ang sugat niya.
Ayaw niya talagang malamangan.
“Sasama ako para sa kapatid kong si Candy, may sugat pa sila ni Clara.” Tumayo si Caspian at nag—unat—unat.
“Twin, are you sure? Baka mapahamak ka. Youʼre being an impulsive pa man din.”
Totoo ang sinabi ni Candy.
“Tsk! I can, Candy! Mag—iisip ako nang mabuti mamaya. Buhay ko ang nakataya rito kaya huwag kang mag—alala, mag—iingat ako!”
“Okay! Basta galingan mo, ha?” Napangiwi ako sa sinabi ni Candy, akala ko pipigilan pa niya ang twin niya.
“Iʼll join too!” sabi ni Anthony.
“Ako na ang pang—limang player.” Nagsalita si kuya Hanzel.
“Kuya...”
Tinapik niya si best na nag—aalala ngayon. “Kinaya mo nga sa stop dance, kaya ako naman, Hannah. Babantayan ko si Ella para sa iyo.”
“Best, babalik kaming mainit sa iyo,” nakangising sabi ko sa kanya.
“Sino ang last player natin?”
Napatingin kami sa labas nang marinig na nagsasabi na siya ng name ng mga kasali.
“Kailangan nating magmadali, malapit nang maubos ang oras natin,” sabi ko sa kanila.
“Ako! Kaya ko na rin ang katawan ko. Kailangan niyo ng tulong ko!” Nagtaas din ng kamay si Timothy.
“Timothy, ako na—”
“Valerian, kailangan may maiwan dito. Kasama na namin ang leader kaya dapat maiwan ang sub—leader. Nandito naman sina kuya Franco, Alfred, Wealand, Ether and kuya Victor para tumulong sa iyo kung may susugod man sa inyo rito. Kaya ko ang sarili ko. Makakaligtas muli kami.”
Wow, ngayon ko lang narinig nagsalita si Timothy ng ganitong ka—seryoso. Nayayabangan kasi ako sa kanya kapag nakakasalubong ko siya.
Tumayo na kaming lahat at pinabaunan ako ni best ng water jug, favorite water jug niya ito. “Babalik kayong lahat, ha? Huwag ka ring basta—basta susugod, Ella. Matatapos niyo ang game na ito. Magdadasal kami na walang sugat kayong matamo,” bulong niya sa akin at niyakap ako.
“Best naman para kang sira! Oh, para mapanatag kang babalik ako, ibibigay ko ito sa iyo. Necklace, favorite na necklace ko ito. Ingatan mo muna at kukunin ko mamaya pagbalik ko, ha? Alis na kami!” Nilagay ko na iyon sa kanya at kumaway ako sa kanya, nakita ko pa ang pagtulo ng luha niya.
Iyakan talaga niyang si Hannah.
“Participating in Hanzel's group are Devon Clemente, Ella San Jose, Caspian Flores, Anthony Recto, Timothy Legarda and Hanzel Limbo. Go to the Plaza for the fourth game. Good luck!”
Narinig na namin ang pangalan namin, muli akong tumingin kay Hannah hinatid nila kami sa ibaba.
“Babalik kami, Hannah! See you later!” malakas na sabi ko sa kanya.
Napalunok habang lumalakad na kaming lahat papunta sa Plaza. “Ella, huwag kang mag—alala, babantayan kita. Mayayari ako kay Hannah kung masasaktan ka.” Napatingin ako kay kuya Hanzel nang magsalita siya.
“H—hindi naman po ako kinakabahan, kuya Hanzel. Iniisip ko po kung anong twist ang gagawin sa larong ito. Lahat ng naunang game ay may mga twist po, lalo na ang rules ngayon ay be prepared,” sabi ko sa kanya.
“For sure, may twist talaga ito... Pʼwedeng hindi tao ang kalaban natin?”
Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Timothy. “Anong pinagsasabi mo, Timothy? Hindi tao?Kung hindi tao, eh sino?” tanong ni Devon habang seryoso ang mukha.
Napahinto kaming lahat nang makita ang nasa harap ng plaza ngayon. “Katulad ba nito ang tinutukoy mo, Timothy?” tanong namin sa kanya.
Hindi nga tao ang nasa harap namin. Isang halimaw.