“KINAKABAHAN ako kuya Franco. Iniisip ko kung anong klaseng twist ang magaganap sa Patintero na ito. Sa stop dance nga ay medyo ang twist pero marami pa ring namatay, what more pa kaya ito na ang labanan ay speed and agility talaga,” sabi ko kay Franco.
Niyakap niya ako nang mahigpit. “Makakabalik silang buo, Hannah. Maniwala tayo sa kanya lalo naʼt kasama nila si Timothy. Siya ang nagligtas sa atin kahapon,” bulong niya sa akin.
“Hannah, tama si kuya Franco. Makakabalik sila. Hindi rin basta—basta si Timothy. Magaling siya sa lahat ng games. Lahat ng games yata ay nalaro na niya.”
Napatingin ako sa aking harap at nakita ko si Valerian. Kinuha niya ang kamay ko at niyakap niya rin ako.
Teka, dito ba sa loob ng demonyong game na ito ay magkaka—love life ako?
Hindi ko muna kailangan iyon. Pero, why not! Paano kung mamatay ako? Paano kung hindi na talaga kami makabalik sa Mundo namin?
“Guys! May monitor sa quadrangle! Pinapakita ang game!” malakas na sabi ni Wealand at napatigil siya nang makita niyang yakap ako ni Valerian. “Um, kung gusto niyo lang naman, guys!” malakas niyang sabi at mabilis ding umalis.
Tinulak ko si Valerian. “We should go too!” So awkward.
Nauna na akong umalis sa kanila at pinuntahan si Wealand, nakita ko ang pagtingin niya. “Wala iyon, Wealand! Come on!” Hinatak ko na siya at pumunta na kami sa quadrangle. Nakita namin doon ang malaking monitor na nakalutang sa ere.
“Ang tagal niyong dumating,” saad ni Candy.
“Sorry.” Tumingin na lamang ako sa monitor at nakita namin ang mga maglalaro, ang dami pa nila.
Umiikot ang camera, hinahanap ko roon sila kuya Hanzel, pero nawala ang paghahanap ko nang magsalita na ang game master.
“Good day, players. This is our fourth game, we called it Patintero with a twist. Each team has only one game, when you get through the tags you win and you can go back to your groups and prepare for the next game. But, here's the twist, five of your players are blindfolded, while one player will be your guide. Taggers are blind so they can't see you either, but once they catch you, you die. Their nails are sharp. So be careful. Start the Patintero. Draw a number first to know the order of all of you.” Nakakapanindig balahibo pa rin talaga ang boses niya.
“Nakakatakot!”
Halos manigas ako nang makita ang zinoom. “S—sila ang taggers?” pagtatanong ko sa kanila at tumango sila sa akin.
“Oh my gosh! What if ako iyong kasali roon? Baka hindi ako makagalaw dahil sa takot. Oh my gosh! Kinakabahan ako for twin Caspian!” natatarantang sabi ni Candy sa paligid ko.
“Kuya Hanzel...”
“Heʼs gonna be okay, Hannah. Hindi takot si Hanzel sa mga ganyan. Walang tinatakutan ang isang iyon.”
Napataas ang tingin ko nang makita si kuya Franco, dumating na pala sila. Inakbayan niya ako kaya napatingin ako sa kamay niyang nasa balikat ko.
Iyong crush ko... Naka—akbay sa akin ngayon. Kung makikita ni Ella ito, aasarin niya ako.
“Wait, aswang ba ang mga iyan?” tanong ni Clara sa amin.
“Nope!” sabay naming sabi ni Valerian. Nagkatinginan kaming dalawa, nandito na rin pala siya.
“Eh, kung hindi? Ano iyan? Para siyang aswang na nakikita ko sa social media ko. Iʼm scared for them kahit sabihin mong bulag din sila.
“Berbalang,” sagot ko sa kanila.
“Berbalang? Whatʼs that? Oh my gosh! Sana maging safe sila Caspian. My twin brother!”
“Ano ang Berbalang, Hannah?” tanong ni Jasmine sa akin.
“Isang uri rin ng aswang, but mas malakas ito ayon sa librong nabasa ko. Mas masahol sila kaysa sa ibang aswang na alam natin, dahil hugis hayop sila at tao. Wala silang awa na pumapatay ng tao para mabuhay lamang.” Napatago ako sa sinabi niya. “But, may paraan para hindi ka nila mapansin kahit bulag sila... Sana nga lang maisip ni Timothy iyon,” sagot ni Valerian.
“May paraan? Anong paraan para mabuhay sila? Sinabi naman ng game master na blind sila, eh!”
“Um, matalas ang pakiramdam nila, Candy and Clara. Kahit sabihin mong bulag sila nakakaramdam pa rin sila... Ang magandang gawin para hindi ka makita—”
Hindi ko naituloy ang aking sasabihin nang makita ko sa screen ang isang babaeng nawakwak ang tiyan ngayon, nakalmot siya ng isang berbalang sa may gitna. Nakita namin ngayon ang pagbulwak ng dugo niya roon, napapikit ako at nanalangin na huwag matulad sila kuya Hanzel sa kanila.
“Hannah, ano dapat ang paraan para mabuhay sila?” Kinalabit ako ni Jasmine, nakatalikod na siya sa screen.
“Isang paraan... Huwag silang hihinga habang patawid sila. Iyon lang ang isang paraan, Jasmine. Dahil pinapakinggan nila ang kabog ng dibdib ng isang tao at hininga nito... Katulad ng sinabi ni Valerian, sana malaman iyon ni Timothy,” sabi ko sa kanila.
“Oh my gosh!”
Napaupo na lamang si Candy dahil sa sinabi ko. Sunod-sunod na rin ang namamatay sa game na iyon, ang unang team na nauna ay lahat ay namatay except sa sixth player nila, ang guide.
“So, kahit anong bilis ng galaw mo? Kung hihinga ka at kakabog ang dibdib mo, mamatay ka, Hannah? Ganoʼn ba ang ibig mong sabihin sa amin?”
Tinignan ko si Wealand. “Yes, iyon nga. Mabilis ang galaw nila, kasing bilis ng cheetah. Wala tayong magagawa... Kaya sana... Malaman iyon ni Timothy. Iyon na lang ang paraan natin.” Napapikit na lamang ako at nag—umpisa na manalangin.
Sana ako na lamang ang isa sa kasali ngayon doon. Ang kuya Hanzel ko, sana mabuhay siya. Impossible kasing malaman ni kuya Hanzel ang tungkol sa berbalang, hindi siya nagbabasa at naniniwala sa ganoʼng creatures.
Nakaupo na kaming lahat, sa apat na naunang team ang nabuhay lamang ay ang guide nila, halos lahat ay patay.
“Ang team na natin!” malakas na sabi ni Anna at tinuro ang screen, nakita namin doon ang mga mukha nila.
“Si kuya Hanzel...” Clinose—up ang mukha ni kuya Hanzel na naka—serious mode ngayon.
“Babalik silang buhay, Hannah.” Pagpapanatag ni kuya Franco sa akin.
Nakita naming si kuya Hanzel ang hindi nakasuot ng blind fold, siya ang guide.
“Guys, nakatingin sa atin ang lahat ngayon. Tayo ang unang team na sumabak dito,” bulong ni Alfred sa amin.
Palihim kaming napatingin sa paligid, kita ko nga ang tingin nila. “Huwag niyo silang pansinin, mananalo ang team natin! Nasa atin ang mga competitive sa larangan ng sports and sa pagiging matalino!” malakas na sabi ni kuya Franco. Nandito kaming lahat, pʼwera kay kuya Victor dahil binabantayan niya ang aming building.
“Guys, listen to me! We all know, we can do it, okay?” Narinig namin ang malakas na boses ni kuya Hanzel. “So, hingang malalim!” malakas niyang sabi.
Napaawang ang aking labi dahil sa narinig ko. “Alam nila... Alam nila ang kahinaan...” sabi ko sa kanila.
Hindi ako makapaniwala. Dahil siguro kay Timothy.
“Takbo pa—kanan!” Nagulat kami nang lahat silang tumakbo nang sunod-sunod, pero sa kaliwa ang punta nila.
“Nililinlang din ni kuya Hanzel ang mga berbalang... Alam niyang naririnig din siya ng mga ito. Nice idea!” saad ni Valerian sa tabi ko.
“See, Hannah! Matalino si Hanzel!”
“Kanan! Kanan! Diretso!” sunod-sunod ang command ni kuya Hanzel sa kanilang lima hanggang nakalagpas na sila.
“They win! Nakatawid sila!” malakas kong sabi habang nakatingin sa monitor.
“Congratulations, Hanzelʼs team. You've survived your death, Devon Clemente, Ella San Jose, Caspian Flores, Anthony Recto, Timothy Legarda and Hanzel Limbo.” I smiled nang marinig ang announcement na iyon.
Nakaligtas sila.