20 Typos and grammatical error ahead!! ººº LANCE POV: ººº Para akong naipako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa pintuang nilabasan ni Frances dala ang baby Lucian namin. Hindi naitago sa mga mata niya ang galit sa akin dahil sa paglilihim ko sa kanya tungkol kay Lucian. Alam ko naman na mali din ang inilihim ko iyon sa kanya simula palang. Gusto ko naman sanang sabihin iyon simula pa lang pero naunahan ako ng takot na baka magalit siya sa akin. At mas lumalim at tumagal pa ang paglilihim ko dahil sa muntik pang pagkawala ni Lucian ng dinadala ko na siya. Kung noong una ay sinabi ko na may nangyari sa amin ay baka hindi na umabot sa puntong nagkasumbatan kami dahil kay Christina at naging kumplikado ang lahat. Napakurap pa ako ng biglang sumulpot sa harapan ko si Tito Reallan da