21 Typos and grammatical error ahead!! ººº LANCE POV; ººº "I really miss you , baby." hindi ko mapigilan ang pupugin ng halik sa mukha ang baby Lucian ko dahil sa umaga ko na lang ito nakakasama sa tuwing wala si Frances dahil nasa opisina siya nito. Iniiwan niya at ibinibilin kina tito Reallan si Lucian para alagaan at sinabihan na huwag daw akong hahayaang masulo ang baby namin baka may balak daw akong tumakas at dalhin si Lucian sa malayo. Wala naman akong balak na ganun. At kung meron man sana noon pa na hindi pa niya alam na anak niya si Lucian. "Pasensya ka na talaga hijo sa asal ng kaibigan mo. Ayaw lang talaga niyang mawala kayo kaya ka niya pinabantayan sa amin. Pero huwag kang mag alala. Hindi parin natin hahayaang hindi siya mabigyan ng leksyon dahil sa tigas ng ride niya.