22 TYPOS AND GRAMMATICAL ERROR AHEAD!!! ºººLANCE POV:ººº "Bakit malungkot ka? Akala ko pa naman masayang pumasyal ka ngayon pero pasan mo naman ang mundo." si Carla. "Pasensya na. Hindi ko kasi makalimutan ang napanuod ko nung nakaraang araw." totoong sagot ko dahil iyon naman ang dahilan kaya ako nakakaramdam ng lungkot kahit na maayos na sa amin ni Frances ang lahat. Binabagabag ako sa kinalabasan ng buong kwento kahit na hindi naman na dapat. "Ano ba ang pinanuod mo?" "Tungkol sa magkaibigan." "Then?" Ibinahagi ko sa kanya ang pinanuod namin nina Frances nung nakaraang araw kay Carla. Sa kwento ay magkaibigan ang dalawang bida. Babae at lalaki na magkaibigan na simula pagkabata hanggang sa lumaki sila. Magkasangga sa lahat ng oras. Magkaagapay sa lahat ng bagay. Malapit sila sa