23 TYPOS AND GRAMMATICAL ERROR AHEAD!! ºººFRANCES POV;ººº "Hindi pa naman siguro ako huli diba?" Halos sabay silang napatingin sa akin. Pero hindi iyon nakatawag ng pansin ko dahil sila lang ng Doctor ang naabutan kong magkasama. Iginala ko pa ang paningin ko para lang hanapin si Patrice pero hindi ko nakita kahit anino lang nito. "Frances." si Lance na siyang unang nakabawi ng kabiglaan sa bigla kung pagsulpot sa harapan nila. "Anong ginagawa mo dito?" "Nasaan si Patrice?" tanong ko kaysa sagutin ang tanong niya. Umupo na din ako mismo sa tabi niya na ikinagulat niya pero nagbigay espasyo naman sa pagupo ko. "Tumawag siya na hindi makakarating kaya dalawa lang kami ngayon ni Derek. Sayang naman kasi ang nabili naming ticket kung uuwi kami agad kaya ipinagpatuloy na lang namin ang p