Celestine’s POV NAGLALAKAD ako sa isang madilim at mahabang daan na hindi ko alam kung saan patungo. Bawat paghakbang ko ay doble ang kaba na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung paano ako napunta sa lugar na ito. Isang bayan na animo pinaglipasan na ng panahon. Hindi ko masyadong maaninag ang daan gawa ng makapal na hamog. Hindi sapat ang binibigay na liwanag ng lamp post dahil bukod sa luma na ay nagpapatay-sindi pa 'yon pero kahit takot na takot ako ay pilit ko pa rin na magpatuloy. Tumaas ang tingin ko sa wooden post at binasa ang nakasulat. "Marcues." Nangunot ang noo ko. Anong lugar ito? Luminga ako sa paligid at naagaw ng atensyon ko ang isang bahay na pinaglumaan na ng panahon. Parang may sariling isip ang mga paa ko na humakbang palapit doon. Hahawakan ko pa lang ang doorkn