Celestine’s POV HANGGANG saan ko kaya kayang sumugal pagdating sa pag-ibig? 'Yon bang kahit nasasaktan na ako ay patuloy pa rin akong nananatili dahil ayaw ko siyang mawala. Patuloy akong lumalaban dahil umaasa akong maging kami hanggang sa huli dahil ako, handang manatili para sa kanya at handang lumaban mapatunayan lang kung gaano ko siya kamahal. Pero paano kung sa bandang huli baliwala lang ang paghihirap ko? Do I still need to stay? Do I still need to fight? And do I still need to sacrifice? Paano pala kung ang inaasahan kong pagmamahal sa kanya ay kahit kailan hindi ko na muling mararamdaman pa? Makakaya ko pa kayang mabuhay? Makakaya ko pa bang magpatuloy? Kakayanin ko kaya hanggang sa huli? Nayakap ko ang aking sarili habang nakatanaw sa malayo, kung saan tanaw ko ang bilug