Chapter 46 Aizen's pov: Bumalik ako sa bahay ni lola kasama si Sashna. Hinayaan ko muna syang makapagpahinga sa kwarto dahil alam kong nanghina sya sa takot. Haayyy! Lumabas na din muna ako ng bahay para hindi ko siya magambala. Naawa talaga ako sa kanya kanina. Habang nakaupo sa may hagdan, napayuko ako at napahawak sa aking noo. Nakaramdam ako ng pagsisisi dahil nadamay siya sa kaguluhang ito. Kasalanan ko ‘to! Hindi ko sya dapat iniwan!!! Hindi sana sya nasaktan o natakot ng gano’n! Tzk! … … … "Anong dinadrama-drama mo d’yan!?" sabi ng boses ng isang lalaki. Nangunot ang noo ko sa gulat. Dahil sa labis kong pag-aalala kay Sashna ay hindi ko naramdamang may dumating! Agad kong iniangat ang ulo ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang nagsalita.

