Chapter 45 Callix's pov: Nagulat ako nang makarinig ako ng hiyaw ng lalaki at magkakasunod na putok ng baril na hindi naman nakapukol sa amin. Hmn? Mahigpit na nakayakap sa akin ang kapatid ko, ramdam ko ang takot nya habang mabilis kong pinapatakbo ang motor ko palayo sa mga humahabol sa amin. Hindi ako makalaban dahil kailangan ko syang protektahan ngunit hindi ko alam kung paano ko siya mailalayo! Siguradong susundan nila kami kahit saan kami magtungo, tzk! Napatingin ako sa salamin na nasa gilid ng motor ko. Nakita ko ang isa pang lalaking nakasakay din ng motor na nakasunod din sa amin. Halos maidilat ko ng husto ang mga mata nang makilala ko kung sino ang nagpapaandar nito, SI AIZEN! Kung hindi ako nagkakamali ay siya nga ito! Napasulyap ako sa van na nakasunod p

