Chapter 44 Aizen's pov: Agad akong tumakbo palabas ng mansyon. Nakaramdam ako ng masamang kutob at sa tingin ko ay gano’n din si Dylan. Halatang sinadya ang pagbutas ng mga gulong ng sasakyan ni Aira, at ang barilan sa labas ng gate ng Academy, pakiramdam ko ay may kinalaman ‘yon kung bakit wala pa si Sashna hanggang ngayon. Kahit hindi ko na siya pinapansin bilang si Prime alam kong takot pa rin siyang maparusahan ko kaya imposibleng hindi siya magmadali umuwi! Pero… bakit? Si Sashna ba ang pakay nila? Anong kailangan nila kay Sashna? Nasaan ka… Sashna! … Sa pagmamadali ko ay hindi ko na naisuot ang helmet ko at kaagad ko ng pinaandar ang motor ko ng mabilis. Alam kong gusto din siyang hanapin ni Dylan, mabuti na lang at siya si Prime ngayon. Mabuti na

