Chapter 43 Dylan's pov: Tawang-tawa talaga ko ng marinig ko ang paghiyaw niya sa akin habang kausap ako sa cellphone. Ang sarap niya talagang asarin! Ahahahah! Sigurado ako ilang minuto lang ay narito na ang kumag na ‘yon! Hindi ‘yon titigil lalo na’t napikon ko ata siya. Alam ko naman, alam ko naman na hindi lang talaga laruan ang tingin nya kay Sashna. Una pa lang ay napansin ko ng kakaiba ang saya niya kapag naaasar niya si Sashna. Ang laki ng pinagbago niya simula ng dumating sa buhay niya si Sashna. Sira-ulo nga din siguro talaga ako, dahil kahit alam kong gano’n ang nararamdaman niya ay hindi ko pa rin napigilan ang sarili kong… magustuhan ang babaeng gusto niya. Pero… kahit pareho kami ni Prime ng babaeng nagugustuhan, ayokong masira ang Samahan naming dalawa at al

