Chapter 42 Sashna’s pov: “Daddy, aalis ka na naman? Iiwan mo na naman ako kina tita? Isama mo na lang po ako, sige na po!” pagmamakaawa ko sa kanya sa aking ama. “Sashna, magtiis ka muna iha hanggang maayos ko ang lahat,” sabi niya habang nakangiti at saka niya ako binuhat at iniupo sa kanyang mga binti. “Ayusin? Ano pong aayusin? Nakagawa po ba kayo ng mali?” taka kong tanong. Tila nag-isip siya at nagbuntong-hininga. “Alam mo ang totoo ay hindi ko na din nga alam,” sagot niya at natawa ng mahina, “Ano ba ang tama? Ano ang mali?” Nangunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Nilingon naman niya ako na may mapait na ngiti at lungkot sa kanyang mga mata. “H’wag mo munang isipin anak, ang mahalaga… buhay ka! Tinitiis kong hindi ka makasama

