Chapter 54 Sash's pov: Hawak ni Aizen ang kamay ko at hindi kami tumitigil sa pagtakbo. Hindi sya umiimik, anong nasa isip nya!?? … … … "Aizen! B-bakit hindi na lang tayo bumalik sa sasakyan!?" tanong ko habang patuloy sa pagtakbo. Pasikot-sikot na kami pero kahit san kami lumusot... nasusundan pa rin kami at patuloy na pinauulanan ng mga bala! "Mas delikado! Hindi tayo p’wedeng bumalik sa sasakyan kung kanina pa nila tayo inaabangan, marahil ay tinaniman na nila ang bomba ang sasakyan natin!" paliwanag nya. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. May posibilidad ang sinabi niya! Tch! Bakit di ko naisip ‘yon? Kung ako lang siguro baka sumakay na ako agad ng sasakyan! Kakaiba talaga ang lalaking ito, nagagawa pa niyang mag-isip ng maayos kahit nasa gitna ng gulo!

