Chapter 55 Sashna’s pov: "Mmmnn!!!” gulat kong ungol nang may biglang magtakip sa bibig ko mula sa aking likuran. Lalong nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang baril na nakatutok sa may sintido ko. Hindi ako nakahinga ng maayos sa takot na paputukin niya ito at yoon na ang maging katapusan ng buhay ko! Marahan niya akong itinayo at saka niya kinuha ang atensyon ni Aizen para ipaalam na hawak niya ako sa kanyang kamay! “H’wag ka ng lumaban kung hindi… papatayin ko ang babaeng ito,” sabi ng lalaking nasa likuran ko. Ilang metro din ang layo sa amin ni Aizen.. pero sapat na para marinig niya dahil sa laki ng boses ng lalaki. "Manahimik ka!" nanlilisik ang mga mata ni Aizen nang lingunin kami. Nanlalaki ang mga mata ko sa kaba at naramdaman ko na ang takot d

