Marahas s'yang tinulak ni Kherwin at napasadsad s'ya sa lupa. Takot na takot s'yang tumingin kay Kherwin na mabalasik ang mukha. "Anong ginagawa mo ah Kherwin?!" Hiyaw n'ya. "F*ck you Hainna! Dahil simula pa lang binalewala mo na ang damdamin ko para sa iyo!" Sigaw nito at marahas s'yang hinawakan sa mukha. "Bitiwan mo ko!" "Akala mo ba hindi ko alam ang ginawa mo at naging Mrs. Alvarez ka! Pinikot mo si Shawn hindi ba?" Mala demonyong tanong nito. Natatakot na s'ya sa galit na itsura ni Kherwin, tila ano mang oras ay sasaktan s'ya nito, hindi s'ya sasantuhin nito, at wala s'yang kalaban-laban rito. "Mas gusto mo pang ipagsiksikan 'yang sarili mo sa lalaking hindi ka mahal! kesa sa akin na mahal na mahal ka!" Asik nito sa kanya. "Tigilan mo na ito Kherwin! Pwede kang makulong pag