"Damn it!" mura n'ya ng mailapag ng P.I ang lahat ng ebidensyang nakalap ng mga ito na nagtuturo kay Kherwin bilang stalker ng asawa. Ayon sa P.I maaaring obsessed i Kherwin sa asawa n'ya. Nanligaw daw si Kherwin sa asawa noong kabataan pa ng mga ito, at hindi ito sinagot ng asawa. At nang ikasal sila ng asawa at ipadala sa Canada ang asawa ay nag hired pala ng tao itong si Kherwin para sundan ang asawa n'ya sa Canada, at ito ang nag-uutos na sundan ang asawa saan man ito magpunta, at kuhanan ng mga larawan. 'Yon ang mga larawan na ipinadala sa kanya. "I can't believe na ilang beses nakasama ni Hainna ang sirang ulong yan!" Galit na sabi n'ya. "Maaring nang bumalik ang Misis n'yo itong si Kherwin na mismo ang sumusunod sa asawa n'yo, at nagpapakuha ng mga larawan sa inuupahan n'yang ta