"Hindi ko maalala ang unang gabing inangkin kita Hainna," he whispered habang nakatunghay sa kanya, hinaplos niya ang gwapong mukha ng asawa. "Gusto kong angkinin kita sa paraang hindi ko malilimutan Hainna," patuloy ng asawa. Tumango siya rito. "Please, Shawn," handa na siya sa anumang mangyari sa kanila ng asawa. Napaghandaan na niya ito kaya handang-handa na siyang ibigay ang sarili sa asawa nang buong-buo. "You are so beautiful Hainna, kahit noong bata ka pa maganda ka na," bulong nito at hinalikan siya nito sa mga labi. Sinalubong naman niya ang maiinit na halik ng asawa. Ang tagal na niyang hinihintay ang pagkakataon na ito, ang tagal na niyang pinapangarap ang ganitong sitwasyon nila ng asawa. Naramdaman niyang hinawakan ng asawa ang kamay niya at dinala sa may pantalon nito.

