Kinabukasan pinilit n'ya si Shawn na isama sa opisina nito. Ngayon kasi kokomprontahin ng asawa si Patricia. Nangako si Shawn na dahil sa ginawang pagbabanta ni Patricia sa kanya ay paaalisin na nito si Patricia. Inamin kasi n'ya kay Shawn ang mga pagbabantang sinabi ni Patricia sa kanya.Patricia wants to kill her, kaya naalarma na ang asawa at paaalisin na nito si Patricia ngayon din. "Ayokong ma stress ka Hainna, kaya mas gusto kong maiwan ka na lang muna sa bahay," sabi ni Shawn ng pareho na silang makasakay sa kotse nito. May inis n'yang sinulyapan si Shawn at hinila ang seat belt, sinuot 'yon habang nakatingin rito. Bumuntong hininga si Shawn at binuhay na ang makina, sinumulan ng magmaneho. Nais n'yang sumama para makita si Patricia, kahit sa huling sandali man ay makahingi din s'