"Are you okay?" tanong ni Shawn sa kanya nang makalabas ng comfort room. Hindi niya alam kung paano siya nakalabas ng comfort room, nanginginig ang buong katawan niya sa takot sa pagbabanta sa kanya ni Patricia. "Shawn," anas niya at liningon ang pinanggalingan, hindi na niya makita si Patricia. Kung magsusumbong siya kay Shawn ngayon, baka isipin ng asawa na masyado siyang na-o-obsessed kay Patricia, baka isipin ni Shawn na pinapadali niya rito ang pagtanggal kay Patricia sa trabaho. "Namumutla ka Hainna, may nangyari ba?" nag-aalalang tanong ni Shawn sa kanya. Napatitig siya sa mga mata ng asawa. Paano ba niya sasabihin kay Shawn na pinagbantaan siya ni Patricia, at sinusundan sila ni Patricia. "Wa-la," utal na sagot niya. "Umuwi na tayo Shawn, baka pagod lang 'to," sabi niya. "Y

