Naguguluhan s'ya kung sino ang nagpapadala ng mga larawan sa kanya, at anong motibo nito? Naisip din n'ya bigla ang kaligtasan ni Hainna, ang asawa n'ya. Sa tuwing lalabas ng bahay ang asawa n'ya may nakasunod rito. Pero sino at bakit? Tanong n'ya sa sarili nang nasa loob na s'ya ng opisina. Bago s'ya pumasok nag-away pa sila ng asawa dahil sa mga larawang pinadala sa kanya. Sinabi ng asawa na posibleng si Patricia ang nagpapadala, pero walang kakayaang gawin ni Patricia ang bagay na 'yon. Lalo na ang mag-utos sa Canada para sundan ang asawa n'ya. Malakas ang kutob n'yang hindi si Patricia ang sumusunod sa asawa, at lalo s'yang nakaramdam ng pag-aalala para sa asawa. Paano kung masamang tao ang laging sumusunod sa asawa? "Damn!" Mura n'ya. Nitong mga nakalipas na araw ay unti-unti na s'