Tahimik silang naghapunan. Wala pa ang mga Kuya n'ya kaya sila lang ng Mommy't Daddy n'ya at ni Shawn ang nasa hapag. Pansin n'yang maganang kumakain ang asawa, marahil nagustuhan nito ang luto ng Mommy nya. Alam n'yang namana n'ya ang galing sa pagluluto sa Mommy n'ya, kaya sure na gusto din ng asawa ang luto n'ya. "Kumusta naman ang pagsasama n'yong mag-asawa ngayon?" Tanong ng Daddy n'ya na medyo kinagulat pa n'ya. Nag de-dessert nalang sila at ang dalang bake lasagna ni Shawn ang kinakain nila. Pasimple n'yang sinulyapan si Shawn at nagkatinginan sila nito, mabilis s'yang nag-iwas ng tingin, nagkunwaring busy sa pagkain. "Maayos naman ho," tipid na sagot ni Shawn. Hahayaan n'ya ang asawa na ma hot seat sa Daddy n'ya. "Mabuti naman, aba'y dapat mag anak na kayo, at nang magka apo ba