Dumaan ang mahabang sandali, nakatitig lang sa kanya si Shawn. Tila ito naghahanap ng maisasagot sa sinabi niya sa patuloy na pag-amin niya ng damdamin niya para sa asawa. Alam niyang matagal nang alam ng asawa ang damdamin niya para rito, at hindi kailanman siya nagsinungaling sa nararamdaman sa asawa. Nakita niyang sinuklay ng asawa ang mga daliri sa kamay nito, tila ito nahihirapan. Wala naman siyang magagawa kung wala talagang damdamin sa kanya ang asawa, tanggap na niya 'yon, at kahit ganoon pa man, hindi magbabago ang damdamin niya para sa asawa, mahal pa rin niya ito, mahal na mahal. "Nagugutom na ko Shawn," sabi niya makaraan ang mahabang sandaling pananahimik nila, at mukhang wala din naman isasagot ang asawa sa sinabi niya. Masakit man kailangan na niyang tanggapin. Alam ni

