"Shawn," tawag niya sa asawa at bahagya siyang lumayo. Kita niya ang gulat sa mga mata ni Shawn sa ginawa niya. Tila ito nawalan ng kalasingan. Marahil dahil naramdaman nito ang pagtanggi niya sa kauna-unahang pagkakataon. "Magpahinga na tayo Shawn," sabi niya at akmang bababa na sa kama. "Hainna," tawag nito sa kanya sabay pigil sa kamay niya. "Galit ka ba?" "May dahilan ba para magalit ako Shawn?" balik tanong niya sa asawa. Humugot ito ng malalim na paghinga at sinuklay ang mga daliri sa buhok at muli siyang tinignan sa mga mata. "I'm sorry," seryosong sabi nito, kita niya ang pagsusumamo nito at sakit sa mga mata. "Sorry sa mga narinig mo sa library," patuloy nito habang nakatitig lang sa asawa. Mula nang mangyari 'yon sa library hindi pa nila napapag-usapan ng asawa ang mga

