Kinabukasan nagising siyang nakadagan sa kanya si Shawn. Sinulyapan niya ang asawang mahimbing pang natutulog. Humugot siya ng malalim na paghinga habang pinagmamasdan ang gwapong asawa. "Shawn," bulong niya at dahan-dahang hinaplos ang gwapong mukha ng asawa. "I still love you, mahal na mahal kita Shawn," bulong niya. Inangkin siya ni Shawn kagabi nang paulit-ulit. Noong una may dahas at nasasaktan siya pero unti-unti namang nagbago ang pagkilos ng asawa, at hindi niya naramdaman ang anumang pwersa ng pamimilit ni Shawn sa nangyari sa kanila kagabi, kusa siyang bumigay sa asawa at nasiyahan siya. Alanganin siyang ngumiti habang nakatitig sa asawa. Tinatanong sa sarili kung bakit kahit anong gawin ni Shawn sa kanya ay andoon pa rin ang pagmamahal niya para sa asawa. Kagabi nasabi niy

