Pagdating sa G. Saavedra Airlines binigyan muna niya ng space ang mag-ina para makapag-usap nang maayos at makapagpaalam sa isa't isa. Pansin niya ang panay sulyap sa kanya ng byenan kaya duda niya siya ang pinag-uusapan ng mga ito. Baka sinasabi ng byenan kay Shawn ang sinabi nito kanina sa kanya kanina. Maya-maya pa ay tinawag siya ng byenan at sinenyasang lumapit. Naglakad siya palapit sa mag-ina. Sinulyapan siya ni Shawn, bahagya siyang ngumiti kay Shawn, pansin niyang naiilang sa kanya ang asawa. Marahil dahil sa mga nangyari sa kanila kagabi. Hindi pa kasi nila napapag-usapan ni Shawn ang tungkol sa bagay na 'yon, at tiyak mamaya 'yon ang pag-uusapan nilang mag-asawa. "Take care of my son hija ah," sabi ng byenan. Tumango siya at ngumiti rito. "Thank you Hainna," sabay yakap ng b

