Elise TAMBAK ang mga papeles na kailangan kong tapusin ngayon dito sa aking opisina. Napahagod na lang ako sa aking sentido nang muling sulyapan ang mga dokumento na ito. Kahit ramdam ko na ang pagod sa aking balikat, alam kong hindi ako maaaring tumigil sa pagpirma ng mga ito dahil malaki ang made-delay sa kompanya kung liliban na naman ako ng trabaho. Sandali akong nagpahinga. Tinanggal ang salamin na nasa aking mga mata at sandaling pinikit ang mga talukap nito. Sinandal ko ang aking likod sa headrest ng swivel chair na kinauupuan ko, saka nakaramdam ng pagluwag ng hinga at unti-unting natatanggal ang pagod na aking nararamdaman. Kailan ko ba huling naramdaman ang bagay na ito? Matapos ang lahat ng luha at sakit na dumagok sa aking buhay, sa wakas ay masasabi kong kaya ko nang ngumit

