Chapter 52

2411 Words

Elise MULI akong tumingin sa lapida na nasa aking tabi. Napangiti na lang ako nang maalala ang mga nakaraan at ang mga kalokohan namin ng babaeng ito. "Bestie, miss na kita. Nami-miss ko nang magkaroon ng kausap at taong sinasabihan ko ng problema. Nami-miss ko na rin iyong mga araw na binubulyawan mo ko dahil sa katigasan ng aking ulo. Sana ay nandito ka pa rin para may kasama akong tatawa sa mga bagay na nakakatawa," sunod-sunod kong wika. Tila bumigat ang aking balikat nang maalala ang mga nakaraan kasama ang bestfriend kong si Erika. Simula bata ay marami na kaming pinagdaanan. Ako ang karamay niya nang mawala ang kanyang mga magulang at siya naman ang karamay ko nang mawala ang aking ama't ina. Siguro, wala na akong mahahanap na ibang kaibigan kung hindi siya lang. Wala na akong ma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD