Elise MALAKAS na pagkaskas ng gulong ng stretcher ang naririnig sa ospital. Ramdam ko ang mainit na palad ni Marco na nakahawak sa aking kamay. Mariin at halos pigain ko na ang kamay niyang iyon dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Sunod-sunod ang aking paghinga habang nararamdaman ang paghilab ng aking tiyan. Masakit ang bagay na ito ngunit kaya ko namang tiisin. Bago ito sa aking pakiramdam dahil ito palang naman ang unang beses na ako ay manganganak. Alam kong sa mga oras na ito, nababalot na rin ng kaba si Marco dahil nakikita ko iyon sa kanyang mukha. Naririnig ko pa ang sinasabi ng kanyang mga magulang na kumalma siya dahil mas kabado pa siya sa manganganak, isang bagay na nais kong itawa sana ngunit mas nananaig ang nararamdaman ko. Sinimulan akong ipasok sa isang silid, hi

