Elise HINDI ko mapigil ang sunod-sunod na pagpatak ng luha sa aking mga mata nang dahan-dahan akong naglalakad sa isang pulang carpet patungo sa altar ng simbahan. Suot ko ang mahaba at puting wedding dress. Binago na rin ang design nito at dahil nasira ko noon ang wedding dress na nasuot ko, binago na lang nga mga designer ang aking susuotin, baka raw kasi hindi na naman matuloy ang kasal kung sakaling iyon muli ang i-design nila. Kapwa natatawa na lang kami ni Marco sa tuwing pinagkukuwentuhan namin ang mga nangyari noon. Ang totoo, ang mga trahedya noon ay pinagtatawanan na lang namin ngayon. Ngunit ganoon pa man, hindi na namin nais pang balikan ang paghihirap na pinagdaanan namin. Kasalukuyan kaming nasa loob ng simbahan at tinuloy na namin ni Marco ang naudlot na kasal. Marami an

