Elise NANLAKI ang aking mga mata nang maramdaman ang bahagyang pagkakabitiw ni Bryan sa akin, dahilan upang makahinga ako nang maayos. Napasulyap ako kay Bryan. Nakita ko ang mariin niyang pagpikit at ang kamay niyang may dugo dahil sa daplis ng bala sa daliri. "Tama na, Bryan! Itigil na natin to." Nang marinig ko ang tinig na iyon, nakita ko si Samantha na dahan-dahang naglalakad mula sa kagubatan na pinanggalingan ko kanina. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang duguan niyang mukha at animoy bali ang kaliwa niyang braso. Kalunos-lunos ang kanyang hitsura at tila binugbog siya ni Bryan kanina nang malaman nitong pinatakas niya ako. Masasabi kong himala na lang din na nakalalakad at nakatatayo pa siya. Demonyo ka talaga, Bryan. Wala kang awa sa babae. "Isa ka talagang taksil!"

