Chapter 48

1632 Words

Elise MARIIN akong napapikit nang maramdaman ang hapdi ng daplis sa aking paa. Pinilit kong tumayo at lumakad kahit mabagal at paika-ika. Muling kinalabit ni Samantha ang gatilyo at tumama ito sa tabi ng puno na malapit sa aking kinaroroonan. Umalingawngaw ang malakas na tunog ng baril at pakiramdam ko ay mabibingi ang aking tainga dahil dito. "Hindi ka pa rin talaga magpapapigil, ano? Tatakbo ka pa rin, eh pipilay-pilay ka na nga?" sarkastikong wika ni Samantha na animoy natatawa pa. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at humawak sa isang malaking puno na nasa aking tabi upang suportahan ang aking pagtayo. Tinapunan ko siya ng matalas na tingin, nagpapakita na hindi ako natatakot sa kanyang panggigimbal. Unti-unting humakbang si Samantha habang nakatutok pa rin sa aking direksyon ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD