Elise "Wala ka nang pakialam doon!" matapang kong sagot sa kanya. Hindi ko alam kung ilang beses nang tumapon ang malalakas na sampal sa aking mukha ngunit pakiramdam ko ay manhid na ako. Ang alam ko lang, kahit gaano pa kasakit ang mga bagay na pinadarama niya sa 'kin, hinding-hindi ako susuko sa mga bagay na ginagawa niya sa 'kin, hinding-hindi ako magpapatinag sa kanya. Matapos ang malakas na sampal na iyon, muli akong nagtapon ng matalas na tingin, nagpapakita na hindi ako mahina. "Sa tingin mo madadaan mo ko sa mga tingin mong 'yan? Sisiguraduhin kong hindi ka makalalabas dito nang buhay. Kayo ng anak mo!" sigaw niya, dahilan upang mabalot ng takot ang aking puso. Hindi ako natatakot para sa sarili ko, natatakot ako para sa batang nasa sinapupunan ko. "Bryan, ano ba?! Matagal ka

