Andrea INAYOS ko ang mga papeles na ngayon ay nakalagay sa aking lamesa. Naglalaman ito ng mga impormasyon ng kompanyang ito at kung sino ang mga investors na nakausap na ni Bryan. So far, wala pa namang mali sa mga ginagawa niya, tila maingat na maingat siya sa pagpapatakbo ng kompanyang ito. Kung sa bagay, sino ba naman ang gustong mawala ang karangyaang tinatamasa niya. Masusi kong binabasa ang mga nakasaad sa mga papeles na ito. Pinag-aaralan kong mabuti kung paano ko maibabalik sa aking pangalan ang lahat ng ito. Maya-maya lang, naputol ang aking ginagawa nang marinig ko ang malakas na pagbukas ng aking pinto sa opisina. Nagmadali naman ako g itago ang mga papeles na hawak ko kanina. "Andrea, we need to talk!" nagmamadaling wika ni Bryan habang nababakas ang galit sa kanyang mukha