Ako at Si Prinsipe Yago Book 2 Season 2 AiTenshi June 5, 2018 Part 33 Noong mabasa ko ang sulat ni Yago ay tila sinibat ng daan daang palaso ang aking puso dahil kumirot ito ng husto at wala akong nagawa kundi ang mapaluha. Pakiwari ko ba ay nang hina ang aking tuhod at nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na kalungkutan. Ang kakaibang kirot sa aking dibdib ay nanunuot at nararamdaman ito ng aking kalamnan. Wala tuloy akong nagawa kundi ang yakapin ang kanyang sulat at ilagay ito sa aking dibdib. Nais kong tawagin ang kanyang pangalan ngunit huli na ang lahat. Wala na akong magagawa kundi ang ituloy ang aking nasimulan at gawin ang mga bagay na dapat kong gawin. Tahimik.. Iniligay ko ang sulat sa aking bulsa at bago ko lisanin ang silid na iyon ay nangako ako na