Ako at Si Prinsipe Yago Book 2 Season 2 AiTenshi June 5, 2018 Tumakbo ang libong kawal ng Hokunya patungo sa amin.. "PARA SA ATING KAHARIAN! PARA SA BERANDA!!" ang sigaw ni Clifford sabay taas sa kanyang espada. Nag simulang tumakbo ang kawal ng aming palasyo at sinagupa ang mga kalaban.. Sa ilalim ng malakas na liwanag ng buwan ay nag simula na ang labanan ng dalawang makapangyarihang kaharian. Part 32 Nag salpukan ang mga kawal ng mag kabilang panig. Mistulang eksena sa isang epikong pelikula ang labanang nagaganap. Nasisira ang paligid at umuulan ng bala at bahagyang yumayanig dahil sa pag sabog. Ang tarangkahan ng kaharian nila Yago ay tuluyang nawasak dahil sa pag pasok ng aming mga daan daang kawal. Abala ang lahat sa pag depensa sa kanilang mga sarili.