Ako at Si Prinsipe Yago Book 2 AiTenshi April 29, 2018 Part 8 Nag simula ang aming araw sa isang ehersisyong pag takbo pag katapos sinundan ito ng pag papakilala sa mga kawal na hahawak sa bawat lupon, sila ang mag tuturo sa amin humawak ng armas at sandatang pang gabay at pang tanggol sa aming mga sarili. Simula noong araw na iyon ay nabago na ang takbo ng buhay ng bawat isa sa amin. Kung dati gumigising kami sa umaga at mag tutungo sa bukirin para bisitahin ang aming mga pananim, ngayon ay mag tutungo kami sa isang malaking training ground upang mag sanay sa pisikal na pakikipag laban. "Mahigpit ang pag hawak sa espada, hindi dapat malambot ang inyong mga bisig. Ang kontrol ay ilagay sa iyong mga kamay at mag ingat dahil matatalim ang mga ito, kaunting danggis lamang ay ma