ZHAINA'S POV NAGISING ako dahil sa lamig na pawis na umaagos sa buong katawan ko. Kaagad na pinahid ng aking mga kamay ang tumatagaktak na pawis sa mukha na para bang kakatapos ko lang maligo at hindi ko rin maatim na ibangon ang sarili dahil sa pakiramdam kong pagkaliyo. Dahan-dahang akong bumangon patagilid habang mahigpit na hinahawakan ang gilid ng kama. Napansin kong walang kalaman-laman ang kuwartong ito maliban na lang sa kama at isang side table. Hindi ko na matandaan ang sunod na nangyari matapos akong mawalan ng malay sa Coffee Bay. Huli ko nang natuklasan ang pag-uusap nina Vince at Jimson, saka ako nahimatay. Unti-unti ko nang hinakbang ang aking mga paa papuntang pinto at sinubukan kong tingkabin ngunit di ko mabuksan. Kinuha ko ang side table at saka hinambalos ang door