ZHAINA'S POV TINULAK kami papasok ng selda ng isang armadong tauhan ni Jimson. Hindi ka basta-bastang makakalabas dito dahil nilagyan ng kuryente ang mga rehas, kunting galaw mo lang baka bangkay ang abutin mo. Wala ka rin masyadong makikita maliban na lamang sa repleksyon nang sinag ng araw na nagmumula sa maliit na bintang nakarehas. Napansin naming may mga nakalatag na pagkain sa ibabaw ng lamesa na agad ko siyang nakita dahil nakatutok ito sa sinag ng araw. 'Yung tipong maakit kang kumain at mukhang fine dining ang hitsura nito. Biglang kumulo ang tiyan ko kasi natatakam na akong kainin ang pagkaing nakahanda sa harapan ko. Habang inaabot ko ang mansanas ay biglang pinalo ni Vince ang kamay ko. "Huwag mong kakainin 'yan. Baka isa ito sa patibong ni Jimson."seryoso niyang sabi. Na