ZHAINA'S POV KAUSAP ni Jimson si Charles sa phone at inabot niya sa'kin ang cellphone para humingi ako ng tulong sa kanila at sinabi ko rin na nagbago na si kuya at 'yon na nga si Jimson kahit di naman totoo. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa, siguro dahil lang sa takot. Pumasok kami sa isang control room na lahat ng sulok ng buong bahay na ito ay kontrolado ng mga tao na nakaupo kaharap ng malaking screen. Alas-nuwebe na nang gabi ay biglang binuksan ng control manager ang gate ng mansion. Bigla akong natuwa nang makita ko sina Charles, Terence and Queen. They are really here to help me out! Hindi ko na alam ang nangyari dahil pinalabas na ako ni Jimson sa kuwartong iyon. Sa pagkakaalam ko, may larong gagawin sila para mailigtas ako. I am really hoping they will win.