ZHAINA'S POV
"SI MS. LOPEZ BA 'YON?" tanong ni Mama.
"Sabi ko na nga ba si Ms. Lopez 'yon eh! Ikaw ang nagluto! Ikaw ang naglagay ng lason para mamatay ang asawa ko!"galit na sabi ni Eng. Nory kay Ms. Lopez.
"Don't be hasty. Before I reveal who it was, let's re-examine the case. We found out that Chef Yuhan was dead due to food poisoning and it was Arsenic poisoning."
"Pa'no mo nalaman na Arsenic poisoning iyon?"tanong ni Inspector.
"Arsenic is said to be the poison of choice of the professional poisoners because chronic small doses may produce confusing progressive debilitation prior to death. As I looked at the spoon it was actually a plastic. Kasi kung gagamitin niya ang silver spoon magre-react kaagad iyon at maaaring 'di kainin ni Chef Yuhan. And looking at the victim's skin biglang nag-iba ang kulay that turned out to bluish color patunayan na nagkaroon siya ng cyanosis due to deficient oxygenation of the blood,” paliwanag niya.
"Ahh tama nga naman! 'Bat 'di ko 'yon na-isip?" tawang wika ni Inspector.
"So sa tingin mo sino ang murderer?" tanong ni Papa.
"Back to the case. As I saw the bowl of soup hindi mo makikita na kunti lang ang nakain ni Chef Yuhan. Marami siyang kinain before the suspect put some small doses of poison at ibig-sabihin no'n nasarapan siya sa luto mo Ms. Lopez. By this scenario, the murderer took a chance to put that poison while Chef Yuhan was busy talking to Ms. Hanna at nagkataon na disposable spoon ang ginamit niya kaya siguradong 'di siya mahahalata. Sa Arsenic poisoning kahit one spoon lang ang nakain mo it will immediately react. At dahil mag-isa lang siya sa room na iyon ay 'di siya makasigaw because of the constriction of throat that's why he ended up dead," patuloy na pagpapaliwanag ni Erickson sa amin.
"How about this peel?"curious na tanong ni Inspector sa kaniya. Pinakita ni Inspector ang ziplock na may lamang peel ng band-aid.
"That peel of band-aid ay galing sa string ng notebook na ito. I'm not saying that the peel was actually on this string. I'm saying that accidentally nasugatan ang daliri ng suspect habang kinukuha ang maliit na notebook na ito sa pocket ni Chef Yuhan kaya nagkaroon ng blood stain sa pocket niya at dahil do'n naglagay siya ng band-aid at ang peel na ito ang katibayan. If my hypothesis is right, the suspect instructed Ms. Lopez to go to the CR para siya ang mapagbintangan. When Ms.Lopez went to the CR 'di niya namalayan na patay na pala si Chef no'n pero no'ng paglabas niya posibleng nagtaka na siya dahil gano'n pa rin ang nakita niyang posture before siya pumasok. If my conclusion is correct, alam na niya na patay na si Chef Yuhan pero 'di niya lang masabi sa kanila dahil takot siyang mapagbintangan. Tama ba ako, Ms. Lopez?"
"T-tama ka. P-paano mo nalaman?"sagot ni Ms. Lopez.
Ngumisi lang si Erickson.
"So ibig sabihin ba no'n si Eng. Nory ang suspect?!"gulat na wika ni Mama.
Ako rin ay nagulat sa mga sinasalaysay ni Erickson! How can a wife have killed her own husband?!
"Yes. The one who killed Chef Yuhan was you Eng. Nory!" pagtuturo ni Erickson sa kaniya.
Natigilan kami sa sinabi niya. Mga ilang segundo ang nakalipas bago pa magsalita si Eng. Nory.
"P-paanong ako? Anong ebidensya na magpapatunay na ako ang pumatay sa asawa ko?"pagtatanong niya kay Erickson.
Ngumisi si Erickson kay Eng. Nory. Ipinasok niya ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang mga bulsa at muling binuksan ang kaniyang bigbig upang magsalita. Nakakatakot siyang tingnan ngayon na kung ako ang nasa lugar ni Eng. Nory manginginig na nga talaga ako sa takot. But he's so cool like I'm watching a movie!
"Simple lang. Take off your gloves para makita ang ebidensya at kung 'di ka pa satisfy I may ask your son to testify ang buong nangyayari sa inyong pamilya?"
So anak pala siya nina Chef Yuhan at Eng. Nory 'yang batang lalake na kausap niya kanina sa water station?
"S-sino ka? Paano mo nalaman?"nanginginig sa takot si Eng. Nory. She felt so nervous and guilty at the same time.
"I'm Charles Emerson, a detective," seriyosong pagpapakilala niya sa kaniyang sarili.
W-wait. Tama ba narinig ko? Siya si Charles Emerson? P-paano nangyari iyon? Ano ba dahilan bakit nagpalit siya ng pangalan? So bali adopted child siya ni Mr. Emerson, a Mystery Novelist? Tapos isa siyang detective? I know something happened around here na hindi ko alam!
"Maaari mo bang tanggalin yan Engineer?" tanong ni Inspector.
Walang magawa si Engineer kundi sundin ang utos ni Inspector. Paghubad ng kaniyang gloves ay totoong may nakita akong band-aid na nakabalot sa hintuturo niya. Tinanong ni Inspector Louise ang pangalan ng bata at muling nagsalita.
"Now we can have Mr. Seth Villegas to state—"
"NO!"
Biglang naputol ang pagsalita ni Inspector Louise dahil sa pagsingit ni Eng. Nory.
"Totoong ako ang pumatay sa aking asawa! Pabayaan niyo na ako na ang magsalita, wag niyo na idamay ang aking anak. Tama si Charles. Unang-una namangha ako sa pag-i-imbestiga mo at nakuha mo lahat ang tamang ebidensya at tugma lahat ng mga sinasabi mong senario. Naiinis lang ako dahil halos gabi-gabi ay wala na siyang oras para sa akin! Sino ba naman ang hindi magseselos sa lagay na iyan? 'Etong si Ms. Lopez kung hindi dahil sa'yo 'di ko sana nagawang pumatay! Ikaw sana ang pinatay ko, hindi siya! Pero huli ko nang nalaman na may gusto na pala ang asawa ko sa'yo at may narinig akong handa na niya akong iwan!" mangiyak-ngiyak na wika ni Eng. Nory.
"Nagkakamali ka Eng. Nory. Kung alam mo lang ang lahat, maiintidihan mo sana kami. Mali na may gusto si chef sa akin. Nagpaturo lang ako sa kaniya dahil dina-down ako ng aking pamilya palibhasa mga chef sila sa Paris at ako lang ang naging Architect. Everytime we have a session ay palagi ka niya kinukuwento sa akin. Mabuti kang ina at mapagmahal na asawa. Pero dahil sa ugali mong iyan pinatay mo ang inosenteng tao!" luhaang salaysay ni Ms. Lopez.
Pinosasan ni Inspector Louise si Eng. Nory. I know nakaramdam siya ng kahihiyan for all those things na ginawa niya sa kaniyang husband at inamin naman niya lahat.
"Eng. Nory you are now under arrest."
Pagkatapos ng imbestigasyon ay nagpasalamat naman si Inspector Louise kay Erickson, I mean Charles sa paglutas niya ng kaso. I was impressed sa mga deductions niya kanina at wala akong masabi.
Habang pinagmamasdan ko siya, he's very different right now, 'di siya tumatawa o kahit ngumiti man lang. Lalapitan ko sana siya pero hinawakan ni Lizzy ang aking kaliwang braso upang pigilan.
"Wag mo siyang lalapitan," babala niya sa'kin.
"But why? Gusto ko lang namang siyang kamustahin. Ano masama do'n?"depensa ko.
Unti-unting lumuwang ang pagkahawak niya sa aking braso. She can't stop me right now! Dagli akong tumakbo sa direksyon ni Erickson upang kausapin siya.
"Erickson!" tawag ko sa kaniya ngunit 'di niya ako nilingon.
"Charles!" pangalawang beses na tawag ko kaya lumingon siya.
Biglang huminto ang aking paligid habang siya nakatitig sa akin. I don't want to stop this feeling anymore. Parang gusto ko na laging ganito. The manly fragrance that I used to smell before was still attractive. His eyes were looking right into my eyes paralyzing me. His black hair was messy in a sexy way. The shape of his nose, his red lips and jaw were all perfect. Ano bang iniisip ko?
"What's up?"
Biglang bumalik ako sa huwisyo no'ng nagsalita na siya.
"Ah..G-gusto ko lang mag-thank you dahil nalutas mo ang kaso kanina. Hehe."
Gosh! Why suddenly I feel nervous right now? The expression on his face doesn’t show any thoughts or feelings. Nagkamali yata ako ng sasabihin.
"What I mean ang galing mo na pala! Paano mo ginawa 'yon?" kamot ulo kong wika sa kaniya.
Crossing my fingers and hoping that he will respond.
"Iyan lang ba ang gusto mong iparating?"
Mission failed! 'Yan kasi, magisip-isip ka muna bago dumaldal Zhaina!
"Parang jigsaw puzzle, kailangan mabuo para makita mo kung ano ang tunay na nangyari. There's no perfect picture if one piece of puzzle is missing," he said it straightly into my eyes.
Para yata akong na-comatose! 'Di ako makagalaw no'ng ipinatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ko. Ang liit kong tingnan dahil sa tangkad niya. Ang aroma ng kaniyang damit ay naging dahilan upang lumakas ang t***k ng puso ko.
"Wag mo na akong tawaging Erickson dahil iba na pagkatao ko ngayon. Ako na si Charles Emerson."
Saka niya ginulo buhok ko at umalis palayo sa puwesto ko.
Erickson... Ano ba talaga ang nangyari sa'yo?