ZHAINA'S POV
NAPABALIKWAS ako sa kama nang biglang tumawag si Lizzy sa phone. Kinuha ko ito at sinagot ang tawag niya.
"Mag-early tayo ngayon. Six in the morning ang call time,"aniya.
"W-wait? Why? Ang aga naman at antok pa ako at alas tres pa lang no!" reklamo ko habang nakatitig sa wall clock ko.
Huminga ako nang malalim at muli kong binagsak ang sarili sa kama.
"Ako ang naka-assign para samahan ka mamaya sa school. Magagalit si landlady kung late ka. Teka,nakapaghanda ka na ba?"
Speaking of! Hindi pa ako nakapag-ayos ng mga gamit! Shocks!
"Oh? Hindi ka makapag-salita riyan? Simulan mo na mag-impake. I'll be there at five."
Muli akong bumalik sa East Brexton Academy after four years. Senior High School student na ako ngayon kaya masaya dahil makikita ko ulit mga besties ko at may halong kaba siguro dahil sa pagbabago ni Erickson. May dormitory na rin ang EBA, ayoko sanang kumuha ng unit pero malayo ang tinitirahan ko kaya napilitan akong kumuha. Buti na lang nagdo-dorm na rin si Lizzy ngunit malabong magka-roomate kami dahil may nauna na sa'kin. 'Di naman daw kasi ako nag-inform sa kaniya na do’n na ulit ako mag-aaral kaya med’yo kabado ako dahil mag-isa lang ako sa unit. May ibang parte na rin siguro sa school na hindi na ako pamiliar dahil ginawa nilang renovation.
Nag-aayos ako ng mga importanteng gamit ngayon para sa bago kong dormitoryo. I'm almost done when suddenly I saw a picture together with my big brother under my cabinet. 'Bat andito ito? 'Di yata nakita ni yaya kaya wala siya sa tamang puwesto.
Hinawakan ko ang picture frame ngunit may naramdaman akong parang magaspang na bagay. Kinuha ko ang bagay na iyon at nakita ko ang isang hugis parihabang papel na kasing sukat ng litratong ito. Wala akong nakitang sulat o mga letra kahit bali-baliktarin ko.
That's weird! Tinago ko na lang ito sa aking maleta para ma-i-display ko sa dorm.
Naalala ko tuloy ang masasayang araw na nakasama ko si kuya. Nasa Festival kami at kaarawan niya no’ng kinunan kami ng litrato. Napilitan akong umuwi dahil sa request niyang dito na lang sa Pinas i-celebrate ang birthday niya. Hindi naman ako makatanggi dahil na-miss ko rin ang bansang ito at baka magtampo siya pag di ako pumayag.
Reminding of that picture, may hawak-hawak akong cotton candy at siya naman ice cream at sa likuran naming ang malaking ferries wheel. Nakakatuwa dahil masaya kami noon at nakakalungkot din isipin na sa lugar na iyon naganap ang malaking trahedyang nangyari kay kuya.
Nasa loob ako ng kotse at hinihintay ko siya dahil may bibilihin siyang regalo o remembrance daw para sa'kin bago ako bumalik ng Japan dahil ma-iiwan na naman siya sa Pinas para sa family business. Bigla kong narining ang malakas na pagsabog sa loob ng festival na iyon at dahil do'n nagkaroon ng malaking sunog.
'Di ko mabura sa isipan ko ang damit, ang suot niyang relo na regalo ko sa kaniya no’ng kaarawan niya at ang sunog niyang katawan na halos 'di ko na makita ang buong pagkatao niya.
Wala ako sa sarili no'ng bumalik ako ng Japan. 'Di nila ako makausap ng maayos dahil sa nangyari. Oo, na-trauma ako! Hiniling ko noon na sana 'di na lang ako umuwi ng Pinas. Na sana nanatili na lang ako sa Japan. Na sana 'di ko na lang pinagbigyan si kuya. Kung alam ko lang na mangyayari ang mga bagay na iyon, dising sana tumalima ako sa tadhana. Ngunit mali palang isipin ko ito. Paano kung panahon na talagang mawala na siya sa mundong ito? Mawawalan pa ako ng pagkakataong makita ang kuya ko. Kaya ngayon umuwi ako ng Pinas para makamit ang hustisya! Mangyari ang dapat na mangyari. Kung itong buhay ko ang maging taya para makuha lang ang hustiya, gagawin ko.
Matapos kong ayusin ang aking sarili, nagtungo na ako sa baba para hintayin si Lizzy. Mga ilang minuto lang ay narinig ko na ang busina ng sasakyan ng aking kaibigan.
"Hey. Ya'ready?" pa-cool na wika nito sa'kin. Ngumiti lang ako sa kaniya.
Tinulongan ako ni manong guard ilagay sa compartment ang maleta ko saka ako pumasok ng kotse.
Tumulis bigla ang nguso ko nang makita kong naka-uniform si Lizzy. "That's unfair! May uniform ka ako wala!” protesta ko sa kaniya.
"Don't cha-worry! Mayroon ka rito,"pagtuturo niya sa back seat.
Hindi ako nabigo nang sinilip ko sa back seat ang naka-hanger na uniform ko. Ngumiti ako at saka pumasok sa kotse.
Mag-aalas sais na ng umaga at medyo malapit na kami sa East Brexton Academy. Napabuntong-hininga ako bago bumaba ng sasakyan. Heto na ang bagong atmosphere na malalanghap ko ngayon. Kaya mo 'to, Zhaina.
"Maraming naghihintay sa'yong pagbabalik, Zhaina," maligayang wika nito sa'kin.
"What do you mean by that? As I remember way back then, 'di naman ako sikat dito para pagnasaan ang pagbabalik ko?"
Tumingin siya sa'kin ng diretsahan at biglang sumeryoso ang kaniyang mukha saka nagsalita.
"Nabalitaan ko na isa kang Artista sa Japan! 'Wag mo nang itago sa'min 'to!"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"T-teka. Sa Japan lang naman ako nakilala at matagal nang wala ako do'n! At b-bakit mo nalaman?"gulong tanong ko.
Tama nga siya na naging artista ako sa Japan. Kinuha ako ni Director Koshiro dahil sa husay kong umawit. 'Di ko naman namalayan na habang kumakanta ako sa isang KTV, eh bigla-bigla lang papasok sa loob at kukunin ako bilang singer sa production niya. Nagkaroon ako ng sariling album at mga Music Videos sa YouTube.
Pero no'ng pumanaw na si kuya, tinigil ko na rin ang pagpasok ko sa Music Industry. Nawalan na kasi ako ng gana dahil 'di ko na ma-i-share sa kaniya lahat ng mga accomplishments ko sa buhay.
Si kuya lang ang close ko sa family dahil sobrang busy din sila mama at papa sa trabaho. Si kuya ang palaging nariyan pag na-da-down ako. Si kuya ang nagpapasaya sa'kin pag ako ay nalulungkot. Si kuya ang tumutulong pag kailangan ko ng malalapitan. Kaya pag nasa Pinas siya noon uuwi siya kaagad ng Japan para kamustahin ako. Sobrang bigat na para bang ayoko na mabuhay sa mundo no'ng nawala siya. Ang sakit din palang mawalan ng minamahal.
"I just saw a trending post on f*******: at do'n nakilala kita. Sinearch ko pangalan mo at totoong ikaw 'yon. Nagulat nga ako at nagtatampo dahil 'di mo in-open up sa'kin 'to. Hmmp!"kunwaring pagtatampo.
Nilambingan ko na lang si Lizzy para 'di na magtampo. Nagtungo na kami sa domitory building para ilagay ang mga gamit ko sa visitor’s room. Inorient at tinuor na rin nila ako. Iba lang pala ang dorm ng senior high sa junior high. It was so nice and well organized di katulad dati.
Wala pang katao-tao sa Main Building dahil alas sais pa lang ng umaga at siguradong kumakain pa lang sila sa mga oras na ito dahil alas otso pa raw start ng class ng mga Senior High. Speaking of food, I feel something growling on my stomach! I forgot to eat pala.
Malaki na ang pinagbago ng East Brexton Academy simula no'ng umalis ako ng Pinas. Marami nang itinayong mga building para sa Senior High. May mga magagandang park na rin na puweding tambayan. Lumuwag na rin ang canteen at mayroon din silang tinayong isang canteen para may option ang mga estudyante. May water fountain na rin sa ginta ng school. The lake was still there and the forest was also the same way back then.
Yes, may forest malapit sa school at minsan nagka-camp kami ro'n. The dormitory building was near at the entrance of the forest. Itong building na ito dati ay hindi pa pagmamay-ari ng EBA but because they need an extension kaya binili nila ito. So they did some renovations para mas magandang tingnan at ngayon ginawa nang dorm. 'Di naman siguro nakakatakot dahil may guwardyang nakabantay sa gate na iyon at may electronic gate pass card na rin sila upang makalabas at hindi mo basta-bastang makukuha ang card na iyon hangga't wala kang permission sa nakatataas, kaya kampante ako na safe dito.
The landlady showed me my room and as I'm expected 'di kami magka-roomate ni Lizzy. Dahil especial daw ako sa kanila kasi malaki ang naitulong ng pamilya ko sa paaralang ito kaya binigyan ako ng VIP Room.
Nasa Room 120 ako. Hmm I wonder kung sino ang nasa room 121. Sabi raw ni landlady na VIP Room din iyon. Well, I don't have any interest kung sino ba ang nasa loob ng room na iyon.
Sa senior high ng East Brexton Academy ay may mga Academic Tracks, under that are STEM(Science Technology English Engineering Mathematics), ABM (Accountancy, Business and Management), HUMSS (Humanities and Social Science) and General Academics. Every strand ay may 6 sections. Lizzy and I are both on the same track and section 'coz we want to be an engineer someday. Kaya excited na rin akong magkaroon muli ng bonding sa mga dati kong kaibigan na naiwan ko dati.
Pumasok na kami sa dorm ko para mag-arranged ng mga gamit. Pagpasok ko palang bumugad na sa'kin sa kanan ko ang electric stove na may oven na sa baba. Completo na rin ang mga kagamitang pang-luto and utensils. Sa tabi no'n ay may maliit na lababo. When we walked inside, I saw a king-sized bed. May aircon, may sala na rin siya, may study table at may comfort room. Sa bandang kanan naman may malaking cabinet. May bookshelves na puno ng mga libro. Hmm. Chineck ko siya at puro mga diksyunaryong na may iba't ibang wika, may mga novels din at siyempre may space for my books na rin. The room was tidy enough and I really appreciate it dahil super comfortable ako dito.
"Wow! What a luxurious lifestyle! Kuwartong princessa!"pagpuri niya sa'kin.
Pagkatapos kong mag-arrange ng mga gamit ay nagbihis na ako sa bago kong uniporme.
"Ayan… Bagay sa'yo kaysa sa uniform mo do'n sa Japan," tawang wika niya.
"Nakapagtataka lang na kung bakit mabait sa'yo si landlady? Sa'min kasi mukha siyang terror."
"Paano mo nasabi iyon? Mukha naman siyang mabait kanina, ngumingiti at friendly siya, hindi ba?" tanong ko.
"Parang may mali eh. Pero alam mo may mystery dito sa dorm na ito. Dito mismo sa kuwarto mo,"ani ni Lizzy.
Tumindig ang aking mga balahibo matapos niyang sabihin ang katagang mystery.
"A-ano 'yong mystery?"
"Last two years, bago binili itong building ay may nagpakamatay daw mismo sa room na ito. Tapos no'ng na-renovate na ito dahil dati open siya sa mga junior high, may isang estudyante na namang nagpakamatay. Depressed na depressed na daw siya sa school no'ng mga oras na iyon kaya nagawa niyang mag-suicide,"kuwento niya sa'kin.
"Kaya ngayon nagulat na lang ako na ni-renovate ulit at ginawang VIP Room,"dagdag niya.
"Sus. Wala 'yan! At bakit naman ako magpapakamatay? Eh 'di naman ako depressed?"lakas na loob kong wika sa kaniya.
I couldn't find any reasons for me to be scared. Besides siya lang naman ang nagpakamatay, 'di ba? Maliban na lang kung may pumatay talaga sa kanila? Tapos bakit ko naman gagawin ang magpakamatay? Huminga ako nang malalim para mawala ang takot na nasa puso.
Umalis muna si Lizzy sa room ko para kunin niya ang kaniyang mga gamit for our first day bilang Senior High.
Paglabas ko ng unit ay bigla kong nakita si Erickson. He's wearing uniform at halatang paalis na. Teka, siya ang nakatira sa kabilang room? Sa room 121?
'Di ba ako namamalik mata? I rubbed my eyes using my hands but he's still there! 'Di nga ako nagkakamali dahil ni-lo-lock na niya ang pintuan. Siya nga ang nakatira sa Room 121. Dagli akong bumalik sa'king unit at sumandal sa pintuan ko saka humugot ng malalim na hininga.
What am I doing? Para akong may asthma na hinahabol ko ang aking hininga. Sumilip ako kung ando'n pa rin siya buti na lang wala na. That was close. I wonder if he already knows that I'm going to enter this school again.
Nakita ako ni Lizzy at lumapit siya sa'kin.
"Suotin mo itong shades, baka pagkaguluhan ka."
Nabigla ako sa sinabi niya.
"No. Baka tuloy pagkamalan akong may something,"pagtutol ko sa kaniya.
"Ikaw bahala. Maraming mga estudyanteng nagaabang sa presensya mo ngayon."
"Teka lang. Ikaw ba ang gumawa ng lahat ng mga ito? Ikaw nagpakalat? Lizzy naman eh!"pagtatampo ko sa kaniya.
Labag sa loob ko ang maging famous dito sa Pinas dahil marami akong kakilala. Natatakot ako na baka mamaya niyan may mag-blackmail pa sa'kin o pagbantaan ako. Puwera na lang do'n sa Japan dahil nakakasiguro akong safe.
'Di ko sinunod ang payo ni Lizzy. Bahala na, basta ayokong mag-suot ng shades. T'saka 'di naman masyadong maaraw! Baka pagkamalan ako nitong bulag.
Nagtungo muna kami sa big canteen para kumain. Nagulat ako nang makita ko ang malaking tarpaulin na nakasulat na 'Welcome Back Francheska Zhaina Yoshida'
"See? Told yah. Alam mo Zhiana kung ayaw mong maging famous magsuot ka nito,” pagaabot niya ng shades sa'kin.
"But still I won't. Wala naman doon ang litrato ko so why would I hide myself?"
'Di nakapagsalita si Lizzy sa'kin. Haaay. Pasensya ka na friend pero I'm not comfortable wearing that kind of stuff.
After eating wala naman nakapansin sa'kin 'di ba? We went to our classroom para simulan na ang first day of class being senior high. Habang naglalakad kami patungo sa room ko ay may natanggap akong isang pulang rosas every person na na-da-daanan ko. Pagpasok ko sa room ay nakita ko agad ang isang tarpaulin na katulad sa nakita ko kanina.
"Welcome back Francheska!"maligayang bati nila sa'kin.
I didn't expect this. Ang mga kaibigan ko na sina Margo, Cristy at Fred ay nasa-STEM din sila and it was surprising.
"Arigatou gozaimasu!"pasasalamat ko sa kanila.
"Sorry Zhaina if I didn't fetch you earlier. Marami kasi akong ginagawa,"ani ni Cristy
"Ako rin kasi pinaghandaan namin ito."patawang sabi ni Fred.
"Oh my lovely Zhaina! I'm missed you soooo much!" Margo hugged me and I also did it back.
"It's okay at least nandito na tayong lahat at hinding-hindi ko na kayo i-iwan!"masayang wika ko sa kanila.
"GROUP HUG!"sigaw ni Lizzy.
Grabe na-miss ko sila! I was too busy with my life at Japan kaya minsan lang kami makapag-chat. Now that I'm here, ibabalik ko ang dati kong buhay dito. Mali nga siguro na mag-stick up lang ako kay kuya, like sa kaniya ko lang in-open up mga emosyon ko o problema ko sa buhay.
Pero ngayon naintindihan ko na, na hindi lang dapat sa isang tao ko lang i-share ang buhay ko dahil maraming pang mga taong handang pakisamahan ka at handang tumulong upang pasanin ang bigat na dala-dala mo sa buhay.
It brings me back to my old memories. 'Di ko sasayangin ang pagkakataong ito na magbagong buhay kasama sila.
Nagpalinga-linga ako sa paligid, 'di ko alam kung bakit ko ginagawa ito. Habang ini-i-scan ko ang mga mukha ng mga kaklase ko, I suddenly captured Charles’s face! Is this really happening in my life? Nasa-STEM din siya? Sigh.
As I observed, nasa gilid siya malapit sa binta at tulalang nakatitig sa alapaap. His face started to become melancholy and what's the reason behind it? Gusto kong malaman kung bakit, but I don't know the right timing.
Nanlaki ang dalawang mata ko when accidentally our eyes meet. Agad akong umiling dahil nahihiya ako sa kaniya. Teka! Bakit ako mahihiya sa kaniya? Inayos ko ang aking sarili and also nag chin-up pero wala pa rin siyang reaksyon. Katapos no'n ay saka niya kinuha ang kaniyang bag, tumayo at umalis ng room.
May mali ba na gano'n na lang pagtrato niya sa'kin? Nabalutan ng kalungkutan ang aking puso dahil sa ginawa niya kanina. At 'di ko talaga siya maintindihan. Kung dati marami siyang mga kaibigan bakit ngayon ni isang tao walang lumalapit sa kaniya?
"GUYS! Walang pasok dahil meeting ngayon ng buong faculty members!"announce ng isa naming kaklase.
Siguro na-deduce niya na walang pasok kaya umalis siya ng room. Gano'n ba talaga siya ka-henyo o sinapian lang ng espiritung manghuhula? Pero buti na lang makakapagpahinga na rin ako sa wakas but before that gusto ko munang magkaroon ng bonding sa mga kaibigan ko.
"Guys let's hang out! Matagal na rin kasing walang bonding eh. Don't worry sagot ko,"ngiting wika ko sa kanila.
"SURE!"sabay-sabay nilang binigkas.
***
Nag-bonding nga kami pero nag-disperse naman kaagad dahil may mga lakad silang lahat. Si Margo ay may meeting dahil kasama siya sa Senior High Representative. Si Fred may practice para sa banda nila. Si Cristy dumalo sa death anniversary ng kaniyang lolo. At si Lizzy naman may pupuntahan siya at ewan ko ba kung saan 'di naman nag-mention at babawi raw sila next time.
Nagpunta ako kanina sa Mall para mag-sightseeing pero bigla akong inatake ng katamaran kaya umuwi na lang ako. I was wearing a sweater dahil ramdam ko ang lamig ng simoy ng hangin kanina bago kami umalis.
Nag-iisang naglalakad ako patungo sa lake. Mag-aalas otso na ng gabi pero gusto ko kong unwind ang utak ko kaya naisipan kong puntahan ang lugar na iyon. May ilaw naman at may magagandang bench doon kaya komportable ako. Full moon ngayon kaya kitang-kita ko ang repleksyon niya sa tubig.
While sitting at the bench may nakita akong anino malapit sa abandoned room. Narinig ko siyang parang may hinahasang bagay. Tumayo ako para silipan siya, kaunting hakbang nalang malapit na ako sa lugar na iyon ngunit bigla kong tadyakan ang isang aluminum can kaya ito ay nakapagbigay ng ingay na halatang maririnig niya 'yon. Bigla akong nanghina dahil tumigil siya sa kaniyang ginagawa. Oh my gosh I need to hide.
Dagli akong nagtago sa halamang santan. Buti na lang bumalik siya sa ginagawa niya dahil narinig ko ulit ang bagay na hinahasa niya. 'Di ko alam kung lalake o babae siya at 'di ko rin alam kung anong bagay ang hinahasa niya!
Dahan-dahan akong naglakad palayo para bumalik na sa unit ko. No'ng nasa hagdanan na ako paakyat sa unit, may narinig akong footsteps coming to my direction. Mabilis akong umakyat dahil kinakabahan na talaga ako. Medyo madilim ang lugar kasi isang ilaw lang ang meron sa hagdanan.
Nakaakyat man ako ngunit malakas pa rin ang t***k ng puso ko dahil sa takot at pangamba. Madilim ang corridor dahil natutulog na siguro silang lahat.
Narinig ko ulit ang mga footsteps kaya't 'di ako makagalaw dahil nanginginig na talaga ako sa takot. Oh God please help me, ayoko pang mamatay!
Biglang may humila sa'kin papunta sa isang pader upang magtago. The smell was very familiar. Nagulat ako dahil nakabaon ang mukha ko sa kaniyang dibdib!
"Er-Charles?"
Napalunok ako ng laway 'coz we were so close. Ramdam ko ang hininga niya na humahalo sa hininga ko.
"Shh," saway niya sa'kin while putting his finger on his lips.
Sumilip siya upang tingnan kung naroon pa ang mysteriosong tao.
"Okay na. You can go to your dorm."
"W-wait. Is that all?" pagtatakang tanong ko sa kaniya.
Grabe ang pinagdaanan ko tapos gano'n lang para sa kaniya? 'Di man lang nagtanong kung okay ba ako o may nangyari ba sa'king masama?
Muling humarap sa akin si Charles at saka nagsalita.
"Is there anything you want to hear from me?" matamlay na tanong niya sa’kin.
"Wala. Sige aalis na ako. Salamat."
I was about to leave him when he started to talk.
"It was the landlady roaming around to check if all the students are not violating the curfew. So go ahead and rest baka makita ka pa niya."
Pina-process ko pa ang mga sinasabi niya, so ibigsabihin no'n siya ang nasa abandoned room? Maaari ngang siya pero maaaring hindi.
"O-okay. Then how about you? Bakit nasa labas ka?" tanong ko sa kaniya.
"That's the question I wanted to ask from you. Since you opened up, kanina may narinig akong hinahasang bagay sa loob mismo ng kuwarto mo. I thought you were doing something important but when I saw you shivering with fears hinila kita upang magtago."
Kinilabutan ako sa mga sinasabi niya. Pa-paanong nangyaring narinig rin niya ang bagay na iyon sa narinig ko sa baba? Malayo kaya distansya. Impossibleng nagsi-sinungaling ito dahil mukha siyang seryoso eh. Well, his face always looks serious. Pero may something talaga na hindi ko maintindihan.
Isang sigaw ang narinig namin sa bandang main kitchen. Tumakbo agad kami ni Charles para makita kung ano nangyari do'n. Nakita namin ang isang babaeng na naliligo sa sarili niyang dugo. Oh my gosh!
Isa namang murder case ang dapat malutas ni Charles. Naguguluhan pa ako ngayon at 'di ko alam kung papaano ko pagtutugma-tugmain ang mga detalyeng nangyayari sa loob ng dormitoryong ito.