ZHAINA's POV KANINA pa ako kapa ng kapa sa bag ko para mahanap ang nawawala kong bracelet ngunit 'di ko talaga siya matagpuan. "Teka nga Zhaina. Pansin kong may hinahanap ka?" "Oo nga Lizzy may hinahanap ako. Andito lang 'yon eh. Hayst."sabi ko habang patuloy ang paghahanap. "Ano ba hinahanap mo?"tanong ni Fred. "'Yung bracelet na bigay ni kuya Hindi siya puweding mawala dahil 'yon nalang ang natitirang ala-ala sa akin."malungkot kong wika. "Okay. So ganito na lang Zhaina. Alalahanin mo ang mga nangyari sa'yo na dala mo pa ang bracelet na iyon?"sabi ni Margo. "O baka naman nahulog somewhere? O 'di kaya may kumuha?"sabi naman ni Cristy. Napahinto ako. Dahil naalala ko ang nangyari sa karinderya. Oo nga! Kinuha ng lalaking pinaglihi sa kawali ang bracelet ko! Tumayo ako at agad akon