ZHAINA'S POV KATAPOS NAMING mananghalian ay naglakad ako papuntang dormitory building. Naisip ko kasing puntahan si kuya sa third death anniversary niya dahil 'di ko siya matiis bagama't itong araw 'yung pinakamasaklap na nangyari sa kaniya. Umakyat ako ng hagdan at napansin kong naglalakad si Queen papuntang dorm ni Charles. Agad naman siyang pinagbuksan nito at pinapasok. W-wait. I thought he never allowed any person to enter his room? Bakit pinapasok niya si Queen? Baka may ginagawa silang something unpredictable? Versace on the floor? Napailing ako. Hindi naman siguro gagawin ni Charles iyon di ba? Gosh Zhaina. Can you please stop thinking this way? Pero seriyoso, nakakaasar lang na parang pinapahiwatig niya sa akin na hindi ako worth person towards him. Tama ba? Pumasok na nalang a